Di ako makapaniwalang nakatanga sa harap niya ngayon. Paanong iisang tao lang yung nakilala ko sa fast food chain at ang taong nagligtas sa kapatid ko?
Is this some kind of movie?
"Oh? nakatanga ka dyan ate?"
Biglang sulpot ng madaldal kong kapatid na bitbit ang cake na ginawa ko.
Nakatitig lamang ako sa babaeng kaharap ko na mukang desmayado ang mukha.
Doon lang ako natauhan.
"Ah.. K-Kung ganun ikaw pala yung tumulong kay Chris?"
Tanong ko habang pinipigilan ang sarili kong kabahan. Teka? bakit ba ako kinakabahan.
Tumango naman siya. Ganito ba talaga siya kaseryoso?
Siguro naman ngayon hindi na siya makakatanggi.
"Ako nga pala si Summer... and you are??"
Nakangiti kong sabi.
"Nicole."
Nicole.. Nicole.. hmm.. baki ba parang feeling ko di bagay sa kanya yung pangalan niya.
"Mabuti naman at pinaunlakan mo ang invitation ng kapatid ko."
Sabi ko.
"Ate kain na tayo nagugutom na ako."
Sabi ni Chris kaya naman niyaya ko na siyang maupo.
Panay ang kwento ni Chris habang kumakain pero parang nahahalata ko sa mukha niya na nahihirapan siya ngayon at di ko siya masisisi dahil kahit ako ay napapagod sa kadaldalan ng kapatid ko.
Heto ako.. di ko mapigilang di tumitig sa kanya.
Hindi parin ako makapaniwala.
Doon ko siya pinagmasdang mabuti.. Pamilyar ang pakiramdam na naramdaman ko kanina nung lumingon siya at tumitig sa akin...
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Doon ko lang naalala ang kwento ni Christian. Kung paano siya niligtas ng babaeng ito.
Hindi kaya???
"Ate??"
"Ate.."
Doon lang ako bumalik sa katinuan at napatingin sa kapatid ko.
"Kanina ka pa kasi tahimik. Tapos nakatitig ka lang kay Ate Nicole."
Natatawa niyang sabi saka ako napatingin kay Nicole na ngayon ay nakatitig sa akin.
Kagaya nung titig ng dalagitang babae na nagligtas sa akin limang taon na ang nakakaraan.
Tila nagsitayuan naman ang balahibo sa buo kong katawan.
Hindi ako nagkakamali.
Siya yun..
Muling bumilis ang tibok ng puso ko saka ako umiwas ng tingin sa kanya.
Pero bakit di niya ata ako nakikilala?
Wala lang ba iyon sa kanya?
Tapos ako halos mabaliw na sa kakaisip sa kanya.
Natapos ang pag kain namin na silang dalawa lang ang nag-uusap. Naguguluhan kasi ako.
Nagliligpit na ako ng pinagkainan nang magpaalam sa amin si Christian. Alam ko magbabawas yun. Mabilis kasi ang metabolism niya.
Wala akong ibang choice kundi kausapin siya.
"Kumusta ang luto ko?"
Nakangiti kong tanong.
Bahagya naman siyang tumitig sa akin.
"Masarap."
Maikli niyang sagot.
"Masarap? ba't parang iba ang sinasabi ng mukha mo?"
Natatawa kong sabi. Pano ang seryoso ng mukha niya. Ngayon lang ako nakatagpo ng tanong ganito.
Kahit papano kailangan kong buhayin ang pag-uusap namin..
"Ganito talaga mukha ko."
Sagot niya habang sinasalansan ang ilang pinggan.
"Teka ako na.."
Sabi ko pero nilayo niya yung hawak niyang pinggan habang nakatingin sa akin ng blangko.
"Tutulong ako."
Sabi niya.
"P-Pero bisita ka.."
Nauutal kong sabi.
"Tapos?"
Tanong niya saka naglakad papunta ng sink at inilagay doon ang bitbit niyang pinggan.
Tama si Christian... kakaiba nga talaga siya.
Wala na akong nagawa kundi hayaan siya.
"Nasabi ni Chris na baguhan ka raw."
Sabi ko habang sinasabon ang pinggan na hawak ko. Siya naman ay binabanlawan ang pinapasa ko sa kanyang mga pinggan.
"Oo."
Sagot niya.
"Di ba napapanis laway mo?"
Tanong ko saka siya napatingin sa akin.
"Pasensya na."
Sabi niya saka ako natawa.
"You know.. you should talk more often sayang ang speaking voice mo ang ganda panaman."
Wala sa sarili kong sabi saka ako natigilan at napatingin sa kanya.
"Susubukan ko."
Sabi niya.
"Ilang taon ka na?"
Tanong ko.
"21."
Sagot niya.
"Oh? same here."
Sabi ko.
"Ate ba't mo siya pinaghuhugas??"
Mataray na tanong ni Christian
"Eh gusto niya ehh."
Sagot ko.
"Kahit na... ako nga di naghuhugas ehh."
Napatingin naman kaming dalawa kay Nicole.
"Di ka naghuhugas."
seryoso nitong tanong kay Chris kaya naman napayuko ang kapatid ko.
"Ano kasi.. ano... sige ako nang maghuhugas."
Di ako makapaniwalang napatingin kay Nicole.
Niyaya ko siya sa veranda sa likod para doon maupo muna saglit.
"How did you do that?"
Tanong ko.
Saka siya napatingin sa akin.
"He never do anything na inuutos sa kanya."
Natatawa kong sabi.
"Kailangan mo lang maging seryoso."
Sagot niya na diretsong nakatingin lang sa harapan niya.
Doon ko siya muling pinagmasdan.
Malakas ang kutob kong siya nga ang taong nagligtas sa akin noon. Pero kailangan ko paring makasiguro.
Kailangan ko siyang makilala..
Kailangan kong malaman ang lahat nang tungkol sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Assassin's Heart (gxg)
Romance"White resembles purity, but to me... it's the opposite."