Chapter 16

3.4K 159 20
                                    

Kakalabas ko lang ng eskwelahan at palubog na ang araw.

Marahan lang ang paglakad ko habang tinatanaw ko ang mapulang kalangitan.

Ngunit nasa gitna ako ng aking paglalakad nang tumigil ang isang kotse sa tabi ko.

Napabuga ako ng hangin ng makilala ko ito.

Hinintay kong buksan nila ang bintana saka bumungad sa akin ang mukha ni Summer na masama ang tingin sa akin.

"Nag-iisa ka ata???"

Mataray niyang tanong saka ako napatingin sa magkabilaan ko.

"Halata ba?"

Sarkastiko kong tanong kaya naman mas lalong sumama ang tingin niya sakin.

"Sumama ka sakin."

May pagbabanta niyang utos.

"Pasensya na po pero di ako sumasama sa di ko kilala."

Sabi ko saka ako naglakad muli.

"NICOLE!!!"

sigaw niya na ikinangiti ko.

"Tumigil ka!!!"

Sigaw niya nanaman. Dahil sa masyado na akong natutuwa sa pang-aasar sa kanya ay tumigil nga ako saka naglakad pabalik sa kotse.

"Hindi ako sanay sumakay sa kotse kaya kung gusto mo akong makasaman maglakad ka."

Seryosong sabi ko.

"What?? are you crazy? hindi ako sanay maglakad... tsaka ano bang mawawala sayo kung sasakay ka??"

Galit niyang usal.

Hindi ako umimik saka nagsimulang humakbang at hindi paman ako nakakatatlo ay tinawag niya ulit ako.

"Fine!"

Usal niya saka bumaba ng kotse.

"Maam! maglalakad po kayo???"

Dungaw ng driver niya.

"Ay hindi. Lalangoy."

Bilib na ako sa katarayan ng isang to.

Ilang minuto pa lamang kaming naglalakad ay panay reklamo na tong kasama ko.

Maya't maya lang ang pahinga namin dahil masakit na raw paa niya.

Doon ko lang napansing nakaheels pala siya. Pero ganun din naman ko eh. Di lang siguro talaga siya sanay at di nakapagtataka yun dahil anak mayaman siya.

Sa tingin ko nga hindi pa nadampian ng lupa ang kutis niya kahit na isang beses lang.

"Halika na. May malapit na fastfood dito."

Sabi ko saka lumapit sa kanya para sana alalayan siya pero tinapik niya ang kamay ko.

"Kaya ko."

Sabi niya saka tumayo ng tuwid kahit na kita ko sa mukha niyang nahihirapan siya.

Bakit ko nga ba siya pinaglakad?

Oo na... kasalanan ko na.

Nakarating kami sa fastfood na sinasabi ko at kaagad siyang naghanap ng mauupuan.

Dahil nakokonsensya ako, ako na ang nag order at nagdala ng pagkain namin. Ako na rin ang nagbayad.

Nadatnan ko naman siyang hinihilot ang paa niya kaya mas lalo akong nakonsensya.

Kasi naman kapag sumakay ako ng kotse niya baka kung saan niya ako dalhin at may mangyari nanamang wala sa plano.

"Kumain ka na."

The Assassin's Heart (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon