Chapter 17

3.5K 137 3
                                    

Kasalukuyan akong nakaupo sa loob ng kotse ko ngayon habang matyagang nag-aabang dito sa tapat ng bahay nila.

Tanaw ko mula rito ang kwarto niya na kita kong nakabukas pa ang ilaw.

Hindi ko din alam kung bakit ba ako nandito. Basta ang alam ko gusto ko lang siyang makita dahil ilang araw niya nang ginugulo ang isip ko. Ilang araw na rin siyang hindi nangungulit.

Napahinga ako ng malalim habang nakatitig sa bintana ng kwarto niya.

Ilang minuto ang lumipas nang mapagpasyahan kong umuwi na nang saktong bumukas ang bintana at dumungaw mula roon ang dalagang kanina ko pa hinihintay.

Binuksan niya ang salaming sliding door saka lumabas at sumandal sa sementong terrace. Dahil doon mas lalo ko pang nasilayan ang buo niyang kagandahan. Oo maganda siya. Siya lang ata ang babaeng nakita kong maganda kahit na walang kolorote sa mukha. Maganda kahit na anong isuot niya.

Maliwanag ang sinag ng buwan kaya naman mas lalo nitong pinatingkad ang kagandahang taglay ng dalagang kasalukuyan kong tinitingila ngayon.

Ngayon alam niyo na kung bakit gusto ko siyang iwasan. Kung bakit ayokong nagkakasalubong ang landas naming dalawa. Dahil kapag nakikita ko siya may mga nararamdaman akong hindi ko dapat nararamdaman.

Lumipas pa ang ilang minuto nang matapos ang pagpapantasya ko sa kanya. Pumasok na siya saka isinara ang pinto pagkatapos ay pinatay ang ilaw.

Napahinga ako ng malalim dahil akala ko mabibigo akong makita siya ngayong gabi.

Pipihitin ko na sana ang susi ng kotse ko nang mapansin ko ang lumang pick up na huminto sa tapat din ng bahay nila.

Bumaba mula roon ang isang lalake saka nagsimulang magmasid sa paligid ng bahay. Napakunot noo ako nang mapansing binibilang niya ang mga security camera sa paligid.

Doon pa lang alam kong may hindi magandang balak ang isang yun kaya naman hindi muna ako umalis.

Naghihintay ako na may gawin sila pero makalipas ang ilang minuto ay bumalik na sa kotse ang lalake saka sila nagmaneho paalis.

Nang dahil doon nagpasya akong wag nang umuwi at magbantay na lang dito. Hindi maganda ang hinala ko sa mga yun.

Nanatili lamang akong nakaupo rito hanggang sa lumipas ang mga oras at nagising na lang ako nang dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.

Napahilamos ako ng mukha saka tiningnan ang relo ko, 6:35 na pala.

Napahinga ako ng maluwag nang bumukas ang gate saka lumabas ang kotse nila. Sa tingin ko naman ay walang nangyaring masama kaya naman nagpasya narin akong umuwi.

Naglalakad ako sa mataong hallway at napapahilot na lang ako ng sentido habang iniinda ang sakit ng ulo ko nang dahil sa puyat. Nagsuot na nga ako ng salamin dahil nangingitim ang ibaba ng mata ko.

Papaliko na sana ako ng hallway ng may di sinasadyang bumangga saking balikat. Medyo malakas yun kaya naman muntik na akong matumba.

Pero imbes na magsorry ang loko ngumisi pa saka nagsalita.

"Pwede ba wag kang paharang-harang?"

Doon ko lang napansin na may hawak siyang skate board.

"Magsorry ka."

Seryoso kong sabi pero ngumisi lang ito saka tumawa kasama ng mga kaibigan niya. Tila ba nandilim ang paningin ko sa naging asta niya at idagdag niyo pa yung sakit ng ulo ko kaya naman hinatak ko ang damit niya saka ko siuntok sa ilong. Saka ko kinuha ang skate board niya at itinapon ito sa bintana na mula apat na palapag ang taas.

Di sila makapaniwalang nakatingin sakin saka lumapit sa kanya.
"Humingi ka na lang sana ng pasensya."

Sabi ko saka ko siya pinakatitigan pero imbes na pumatol hinila siya palayo ng mga kasama niya.

"T-Tara na..."

Matapos nun ay parang walang nangyari lang akong naglakad papunta ng aking silid kahit na pinagtitinginan ako ng mga iilang estudyante.

Pasensya na lang sa kanya dahil natyempuhan niyang mainit ang ulo ko.

Makalipas ang ilang oras natapos din ang panghuli kong subject ngayong umaga. Nandito ako rooftop ng building nagpapahangin. Hinawi ko ang buhok ko na tinataboy ng hangin habang nakaupo ako sa sementong harang. Mataas man ay di ko to iniinda dahil ilang beses na akong tumalon mula sa itaas ng ilang gusali.

Nasa ibaba man ang tingin ko pero ramdam ko ang presensya ng isang tao mula sa likuran ko kaya naman  umikot ako saka siya hinarap at bumungad sakin ang nakangising si Limery.

"Surprise?" Tanong niya na ikinakunot noo ko.

"Wondering?"

"Well... ipinadala ako ni Mr. Lee upang maging katuwang. Mukha raw kasing natatagalan ka."

Saad niya saka lumapit sakin.

"At sa tingin mo makakatulong ka?" Tanong ko saka siya nagkunwaring nasaktan.

"Ouch naman agent A-01.." banggit niya ng sereal number ko.

"Ganyan ba talaga ang mga Row A. Mga Snob?"

Tanong niya saka naupo sa tabi ko.

"Ganyan ba talaga kayong mga Row B? maiingay."

Balik ko sa kanya saka siya tumawa.

"Kumusta ang case mo?"

Tanong niya.

"Tukoy ko na ang sistema nila. Ang kailangan ko lang malaman ay kung kanino sila kumukuha ng supply."

Sagot ko saka siya tumango.

"Ito ang unang beses na magkakatrabaho tayo. Kaya natutuwa ako. Hindi mo alam mataas talaga ang tingin ko sayo."

Hindi naman ako umimik.

"Di ako makapaniwalang makakatrabaho ko ang kilalang one bullet kill."

Di ko napigilang di mapaismid nang marinig ang bansag na yun. Sino ba nag-isip nun at babarilin ko.

"Kung gusto mong tumagal wag mo nang babanggitin ulit yun."

Sabi ko saka na bumaba na at naglakad paalis.

Tumawa lang siya saka sumunod sa akin.










The Assassin's Heart (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon