Ilang minuto rin akong nagmaneho bago ako makarating sa Address ng building niya.
Malaki naman ito kaso may kalumaan na.
"Uhmm hi Miss.. Gusto ko lang malaman kung anong room number ni Nicole De Guzman."
Sabi ko habang nagpapacute sa kanya.
"Uh- sorry po Miss. Hindi kasi pwede.."
Kaagad ko namang inabot ang pera na nasa loob ng envelope.
"Uhh.. room 235 sa third floor."
Napangisi naman ako. Bilib na ako sa sarili ko.
Sumakay ako ng elevator na may kalumaan na saka pinindot ang third floor.
Pagbukas ng pinto ay kaagad akong lumabas saka isa isang binilang ang kwarto.
Hanggang sa makarating ako sa pinakahuling kwarto.
"235."
Sambit ko.
Teka... ano nga palang sasabihin ko kapag sakaling buksan niya?
Hahh bahala na.
Kakatok na sana ako nang may biglang nagsalita sa likuran ko.
"Anong ginagawa mo?"
Saka ako napalingon at bumungad sa akin si Nicole na may hawak na paper bag at mga plastik ng mga pinamili niya.
As usual, walang expression ang mukha niya.
"Uh- ano.. kasi... uhm.."
Nauutal kong sabi.
"Tabi."
Sabi niya saka niya ako hiwawi para buksan ang pinto ng kwarto niya.
"Umuwi ka na."
Sabi niya habang papasok at akma niya nang isasara ang pinto nang hawakan ko siya sa braso.
"Gusto lang sana kitang makausap."
Sabi ko pero nakatitig lang siya sakin.
"Di mo man lang ba ako papapasukin? di ka ba tinuruan ng manners ng magulang mo?"
Pagtataray ko pero nakatitig lang talaga siya sakin.
Akala ko di gagana pero natuwa ako nung sininyasan niya akong pumasok.
Kaagad din naman akong pumasok habang kasunod ko siya. Mamaya magbago pa ang isip ng robot na to.
Siya naman ay dumeritso sa kusina at nagsimulang ayusin ang mga pinamili niya.
Sinundan ko siya saka ako tumayo lang doon.
"Sabihin mo na."
Sabi niya habang nakatitig sa akin.
Ba't ba ang hilig niyang tumitig?
"Oh yeah... something has been bothering me this past few days and it has something to do about what happend to me five years ago."
"Five years ago papauwi na ako noon galing eskwelahan at habang naghihintay ako noon ng sundo ko may dumaang grupo ng kalalakihan... they tried to talk to me but I refused.. gusto nilang sumama ako sa kanila pero nung di ako pumayag nagalit sila. I was really scared..."
Sabi ko. Tahimik lamang siyang nakikinig sa akin.
"Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa mapadpad ako sa isang maliit at madilim na eskinita. But unfortunately, they know the place more than I am kaya naman nahanap nila ako. Akala ko katapusan ko na but then someone came to rescue me..."
BINABASA MO ANG
The Assassin's Heart (gxg)
Lãng mạn"White resembles purity, but to me... it's the opposite."