Summer's p.ov
"Dad, I think it's safer kung di ka muna aattend ng meeting."
"Baby girl, hindi pwede.... Malaki ang pananagutan ko sa pangyayaring yun. Magbibigay lang ako ng statement and then uuwi na ako kaagad. You don't to worry may mga kasama naman akong security."
"Fine, I'll go with you "
Sabi ko kaso pinigilan niya ako.
"Stay with your Mom and your brother okay?"
Napahinga na lang ako ng malalim at walang nagawa kundi magpaiwan.
Sakto papaakyat na ako ng kwarto nang makita ko si Chris na mukhang aalis.
"Saan ka pupunta?"
"Ah ate may taekwondo class ako ngayon diba?"
"Diba sabi ko bawal muna tayong naglabas labas?"
Sabi ko habang nakapanghalukipkip.
He just rolled his eyes saka nagpatuloy parin sa paglakad pababa.
"Christian!!!! Bumalik ka dito!!"
"Don't worry ate! Kaya ko silang bugbugin nuh??? Hahahaha"
"Christian isa!!!!"
Walang nagawa yung pagsigaw ko dahil umalis parin siya.
Nagpapadyak akong tumungo sa kwarto nina mommy and to my surprise, looks like aalis din siya.
"What the hell? Lahat talaga kayo magsisialisan Ma??"
"Baby girl, mag iisang buwan na tayong nakakulong sa bahay."
"Pero Ma!"
"Shhh, wag kang mag-alala diyan lang naman ako sa tita Mariette mo... Call me if you need anything?"
Sabi niya saka ako talunang napatango na lang at hinalikan siya sa pisngi.
"Mag-ingat kayo please. Wag kayong magpagabi."
Sabi saka siya tumango at humayo na.
I had no choice but to go back in my room at humilata sa kama.
Ayoko naman kasing lumabas. I don't feel like going anywhere.
Hanggang ngayon kasi dala dala ko pa rin yung takot nung gabing yun.
Ever since that night, hindi ko na sila pareho nakita.
Sobrang dami kong katanungan. Hindi ko sinabi kay Dad ang buong nangyari dahil hindi pa sapat ang impormasyon ko.
Sinabi rin ni Limery na huwag ko munang ipagsabi ang tungkol kay Nicole.
Siya na raw ang bahalang magpaliwanag sa susunod pero hanggang ngayon hindi ko pa rin mahagilap ang kaluluwa niya.
Napatayo ako ng aking kama para sana mag-ayos sa harap ng salamin nang mahagip ng mata ko ang isnag pamilyar na kotse sa labas ng bahay namin.
Kaya walang pagdadalawang isip na bumaba ako at lumabas patungo sa kotseng iyon.
Kumatok muna ako sa bintana nito saka ako pumasok at tama nga.
"Limery! You better explain everything now."
Madiing sabi ko.
Nawala ang pagkunot ng noo ko nang makita ko ang mukha niyang puno ng pag-aalala.
BINABASA MO ANG
The Assassin's Heart (gxg)
Romance"White resembles purity, but to me... it's the opposite."