Chapter 2

6.4K 178 3
                                    

Naglalakad ako sa isang madilim na kalsada. Ilang beses ko nang sinubukang hanapin ang tamang daan ngunit sadyang madilim ang paligid at wala man lang kahit anong ilaw akong naaaninag. Nakagawian ko nang maupo sa ibabaw ng basang damo hanggang sa magising ako.

Minulat ko ang mga mata ko at sinag ng araw ang sumalubong sa mukha ko. Dahan dahan akong tumayo at tinungo ang malaking bintana saka pinagmasdan ang tuluyang pagsibol ng araw.

I was always fascinated by it and how it radiates our dark world.

Ilang minuto akong nanatiling nakatayo roon nang mapagpasyahan ko nang pumasok ng banyo upang maligo.

Hubo't hubad akong lumabas ng banyo saka nagsuot ng damit. Isang itim na loose na t-shirt at shorts na maong ang suot ko. Bit-bit ko ang susi ng isang kotse ko saka ako bumaba saka siniguradong nakasarado ang lahat. 

Binuksan ko ang parking lot kung saan naroroon ang mga sasakyan na ginagamit ko saka pinasok ang sasakyan na ginamit ko kagabi.


Isinara ko muna ang pinto ng parking lot upang buksan ang underground kung saan nakaparada ang mga sasakyan na ginagamit ko sa aking mga pang gabihang lakad.

Ipinark ko ito sa tabi ng kulay pulang lamborghini saka ako bumaba at isinara ang underground.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Nakatayo ako sa harap ng isang kulay itim na toyota na may kalumaan na. Ito naman ang ginagamit kapag umaga.

Sumakay ako rito saka pinindot ang remote upang bumukas ang pinto ng garahe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sumakay ako rito saka pinindot ang remote upang bumukas ang pinto ng garahe.

Pagkalabas ko ay kaagad ko ring isinara ang garahe saka na ako nagmaneho paalis.

Isang oras ang lumipas at nakarating ako sa isang mall. Plano ko kasing mamili ng mga supplies na dadalhin ko sa bahay ampunan na pinangangalagaan ko.

Binati ako ng guard bago pumasok saka ako dumiretso sa grocery store.

Ilang karton ng mga delata at iba pang pagkain ang pinamili ko kabilang na ang iba pang pangangailangan tulad ng asukal, gatas at sabon.

The Assassin's Heart (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon