"That man.. matagal ko na siyang pinapamanmanan regarding dun sa mga namatay na estudyante nang dahil sa illegal drug overdose and recently my intel has confirmed."
Sabi niya.
"Siya ang presidente ng eskwelahan na yun kaya bakit niya naman gagawin yun?"
Tanong ko.
"It's all about money."
Sagot ni Papa.
"What do you want me to do?"
Tanong ko.
"Go undercover. Magpapanggap ka na estudyante sa eskwelahan niya. Find out who sells... the main seller and the supplier... Iisa-isahin natin hanggang sa matunton natin kung sino ang main dealer nila."
Sabi niya.
"Ako na ang bahala."
Sabi ko.
"Okay.. tungkol sa magiging records mo ako na ang bahala. Kailangan mo na lang pumasok sa lunes."
Sabi niya pa.
"And one thing... you have to be careful.. halos lahat ng anak ng mga kasamahan ko sa organisasyon ay doon nag-aaral. Try not to be friends with any of them."
Tumango naman ako saka tumayo na.
"You are dismissed "
Sabi niya pero bago ako tumalikod niyakap ako ni Papa.
Napakunot noo naman ako. Medyo naiiyak pa siya. He's annoying.
"Pa.."
Saway ko sa kanya.
"Sorry.. I'm just.. really really proud of you."
Sabi niya saka ngumiti at niyakap ako.
"Get a hold of yourself Pa. Baka may makakita sayo."
Sabi ko saka siya hinalikan sa pisngi.
"I love you Papa. Please tell Mama that I'll meet her tomorrow."
Sabi ko saka siya tumango.
"Sige anak."
Sabi niya habang pinupunasan ang luha niya.
Lumabas na ako saka napailing.
He's so gay.
Naglalakad ako sa hallway nang makasalubong ko ang pamilyar na mukha sa akin.
"Mirah! Long time no see."
Sabi niya saka nakipagkamay sa akin. Her name is Limery. Kasamahan ko siya but we see each other so often dahil sa trabaho namin pero magkaibigan naman kami.
Isa siyang especialized agent. Ang pagkakaiba namin ay siya kahit sino ang nagiging amo niya habang ako si Papa lang. Ang alam nila ordinaryong agent lang ako ni Papa but they didn't know that I'm actually his daughter.
"May gagawin ka ngayon?"
Tanong niya at umiling lang ako.
"Still a woman of few words. Haha. Bar tayo mamaya?"
She asked. Hindi sana ako iimik kaso sinuntok niya ako sa braso kaya napahawak ako rito saka napatingin sa kanya.
"Oh susuntukin mo ako?"
Pang-aasar nito pero di ko lang siya inimik.
"Sasama ka ha?"
Sabi niya pero iniwan ko na siya.
"HOY!!"
Patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa makapasok ako sa elevator.
Napahawak ako sa braso ko na sinuntok niya saka napatingin sa operator ng elevator na titig na titig sakin.
Kaagad naman siyang bumawi ng tingin ng mapansin ko siya.
Dahil wala akong gagawin ngayon uuwi muna ako.
Ilang minuto ang lumipas at nasa harapan na ako ng aking bahay.
Napahinga ako ng malalim saka hinilot ang leeg ko.
Pagkapasok ko ng bahay ay kaagad akong umakyat sa kwarto ko at naghubad ng pantaas na damit kaya sports bra na lang at shorts ang natirang suot ko.
Lumabas ako sa likurang bahagi ng aking bahay kung saan ako nagsasanay. Napapaligiran ng puno ang aking bahay kaya naman mahirap ako ritong matunton.
Isa pa.. naglagay ako ng mga patibong sa paligid. May mga security camera din sa paligid pati na sa kalsadang papasok dito sa bahay ko.
Ilang minuto akong nagwarm up saka ako nagsimulang mag ensayo.
Nang matapos ako ay pumasok na ako ng bahay saka nagshower.
Binuksan ko ang t.v saka ako naupo sa sofa.
Kaagad na bumungad sa akin ang magandang balita saka ako napangisi.
Nilipat ko ang channel at napunta ito sa show kung saan iniinterview ang isang pamilyar na babae.
Oo siya yung nangungulit sakin sa kainan kanina.
So isa pala siyang model?
Hindi ko alam pero binaba ko ang remote na hawak ko.
Base sa nakikita ko mukhang masayahin siyang tao at ganung klaseng tao ang pinaka-iniiwasan ko.
Kung bakit? siguro dahil hinahangaan ko ang mga ganung tao. Dahil sa panahon ngayon mahirap nang maging masaya.
"Di na sana tayong muling magkita."
BINABASA MO ANG
The Assassin's Heart (gxg)
Romance"White resembles purity, but to me... it's the opposite."