Chapter 32

841 38 3
                                    

"Hindi niyo parin ba mahanap si Tashihiro?"

Nakapamulsa habang nakatayo sa harap ng salamin ang matangkad at matipuno ang katawang lalake.

Makikita mo sa mukha niya kung saan nakuha ni Almirah ang matatalim nitong titig.

May edad man ay hindi mo mapapaghalataan dahil sa angki'y nitong tindig at pangangatawan.

Sadyang nakakapangilabot ang kanyang postura.

"Sir, we have located her location and right now we're trying to reach her. According to our data, nakabase siya ngayon sa Japan. She's currently working under a pharmaceutical company and still on her mission to find a cure for cancer."

"Wag niyo nang idaan sa ganung paraan, take her with or without her permission. I want her here by the next day."

Utos niya sa dalawang lalakeng kanyang inatasang mahanap ang doctor.

"Copy sir."

Sagot ng dalawa saka na ito umalis.








2 days later......

"What do you want from me? I told you before, I don't wanna be in your business anymore."

"Relax, I only want one thing from you. She's losing her focus again."

Sabi ng lalake saka tumayo.

"Ayoko, I don't want anything to do with your shits again!"

Ngunit natutop ang bibig ng babae nang bumunot ng baril si Philip saka ito itinutok sa noo ni Tashihiro.

"Alam mo ang kaya kong gawin. You might not be afraid to die, but how about giving you a reason to mourn?"


Pagkatapos noon ay iniharap niya ang laptop sa babae at ganun na lamang ang pagkabigla at takot nito nang makita ang kanyang anak na nakatali at may piring ang mga mata.

Nanginginig ang kamao nito sa galit.

"I don't need to explain it to you. Matalino ka, kaya alam mo na ang ibig kong sabihin."

"Magsisimula ka na bukas. Gusto kong matapos mo yan sa lalong madaling panahon."

"Isa kang halimaw, mas masahol ka pa sa halimaw. Sarili mong anak ginagamit mo sa kahayukan mo sa kapangyarihan."

"Darating ang araw na malalaman ng Gobyerno ang ginawa mong pagtataksil at kukunin nila si Almirah sayo."

Saad ng Doctor.

"Hindi mangyayari yun dahil hawak ko sila sa leeg.".

Nakangising sagot ni Philip.

"Sa ngayon, pero darating ang araw na baka si Almirah pa ang magpabagsak sayo."

Huling mga katagang binitawan ng doktor bago siya lumabas ng kwarto na yun.

Ilang taon na ang nakakaraan, simula nung magkaroon ng pagsasanib sa isang secret project noon ang Pilipinas at Japan.

Nagkasundo ang dalawang bansa sa paggawa ng isang secret weapon kung sakaling kailanganin, bilang magka alyansa naman ang mga ito.

Pero hindi isang typical na mga armas sa gyera ang kanilang binuo, kundi isang super soldier.

Isang eksperimento na naglalayong lampasan ang limitasyon ng abilidad ng isang normal na tao.

Si Philip at ang iba pa niyang kasamahan sa organisasyon ang naglunsad ng proyekto katuwang ang
Department of National Defense ng bansa.

Ipinalabas ni Philip na hindi naging successful ang experiment at sinabing imposible ang nilalayon nilang mangyari. Bagay na kaagad namang pinaniwalaan ng iba.

Kaya naman itinigil ang proyektong yun.

Ngunit ang hindi nila alam ay salungat ito sa totoong nangyari. Dahil ang katotohanan ay nagtagumpay sila.

Ginamit ni Philip ang gamot na ito upang ipanlunas sa nag-aagaw buhay niyang anak na si Almirah.

Gumana nga ang gamot na yun at hindi lang nawala ang sakit ni Almirah dahil nagkaroon pa ito ng higit pang epekto.

Itinago ito ni Philip at pinalabas na namatay si Almirah. Itinago niya ito ng ilang taon at nang magdesisyon nga siyang ilabas ito ay ipinakilala niyang isang highly trained assassin na galing sa Russia at binigyan ng bagong pangalan .

Nung una purong intensyon lang ang gusto niya, ang makapaglingkod sa bayan. Ngunit kinalaunan, nagbago ang ihip ng hangin.

Naging sakim siya. Naging ganid. Ni hindi niya na nga iniisip ang kapakanan ni Almirah na sarili niyang anak.

Kaya labis na lamang ang galit ng asawa niya at isa niya pang anak na lalaki.

Si Philip ay isang simbolo ng natural na behavior ng tao. Nabubulag sa sariling kagustuhan.

At sana, habang maaga pa ay matauhan na siya. Bago pa dumating ang araw na kinatatakutan niya.

Ang araw na si Almirah na mismo ang tatapos sa kahibangan niya.

The Assassin's Heart (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon