"ANG TANGA TANGA NIYO!!'
"Dinukot siya!!!! At kahit isa sa inyo wala man lang nagawa!!!???"
Sigaw ni Philip sa harap ng mga agent na inutusan niyang ihatid na sa isang secret facility and doktor.
Lingid kasi sa kaalaman nito na hindi talaga tutupad sa usapan ang tusong tulad niya. Hindi niya tutuparin ang pangako niyang ibabalik ito sa Japan at makakasama ang anak niya.
Hindi magagawa ni Philip yun, dahil ang doktor ang pinaka susi sa lahat ng plano niya, bukod kay Almirah.
At ngayon nalaman niya na tinambangan ang grupo ng mga tauhan niya at dinukot ang doktor.
Isa pa, nalaman rin niya na wala na rin ang bata sa puder nila.
Nakasisigurado siya na ang mga kalaban niya ang may kinalaman sa nangyari kaya ngayon ay galit na galit siya.
"Sir, pasensya na. Mas marami po sila at kahit na lumaban kami walang nangyari nakuha parin nila ang doktor."
Sagot ng isa sa kanila.
"Wala akong pakialam kung maubos kayo! Ang importante naibalik niyo ang doktor. Pero bulilyaso ang lahat!! Ano nang gagawin niyo!! Mga tanga!!"
Walang ibang paraan ngayon kundi ang utusan niya ang anak niya na hanapin ang mga taong nasa likod nito at ipagpaliban muna ang misyon nito.
"Lumabas na kayo mga walang silbi!'
Sigaw niya bago nagsialisan ang mga ito.
Sinubukan niyang tawagan ang cellphone ni Almirah kaso hindi ito sumasagot.
Kaya lumabas siya at tinungo ang opisina ng tech team upang ipatrace siya.
"Contact her and tell her to see me immediately."
Saad niya na kaagad namang sinunod ng mga ito.
"Sir... We can't reach her."
"Ano!!? Bakit????"
Sigaw niya.
"Sir, look... Our satellite can't reach her. She's out."
Tinungo nga ni Philip ang monitor at totoo ngang wala siyang makita ng bakas ng anak niya.
Ganun na lamang ang gulat ng mga tao roon nang suntukin niya ang lamesa.
"Do whatever you can to find her . We can't lose her."
Sabi nito saka muling hinugot ang cellphone sa bulsa niya.
"It's time."
Sabi nito sa kung sino ang nasa kabilang linya.
Almirah's p.o.v
I drove as fast as I could, away from that place.
My heart's been rumbling ever since that confrontation. Kilala niya ako?
She knows me... She called me in a different name but her eyes...
Her eyes were enough to tell me that she surely knew me.
Tapos biglang sumagi ang mukha niya sa isip ko kasabay nun ang biglang pagsakit ng ulo ko na para bang tinutusok sa loob.
Pinilit ko paring magmaneho sa kung saan, ni hindi ko na alam kung saan ako papunta.
I slammed on the wheels sa sobrang sakit ng nararamdaman ko as I was driving so fast.
When I closed my eyes, everything came crushing in my mind.
BINABASA MO ANG
The Assassin's Heart (gxg)
Romansa"White resembles purity, but to me... it's the opposite."