Kailangan pa ba akong itali?
Napairap na lang ako rito sa kinuupuan ko.
Mukha bang may takas pa ako sa kanya? Nasa lahi nga ata nila ang pagiging makulit. Napansin ko ring parehas silang bossy.
"Ano bang trabaho mo?"
Tanong niya sa akin.
"Unemployed ako."
Sagot ko na ikinagisi niya.
"Talaga? hindi halata ah?"
Saad nito habang nakangisi.
May kayabangan din siya ha.
"Ikaw?"
Tanong ko habang bagot nililibot ang mga mata ko sa loob ng kotse.
Napatingin ako sa baril ng katabi kong security na sa totoo lang madali ko lang mahuhugot.
"I'm an intelligence officer in our National Security Agency."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nalaman ko.
Sa dami ng trabahong pwede niyang maging trabaho yun pa?
"Talaga? kung ganun nakakatakot ka pala."
Walang emosyong sabi ko saka siya napangisi sa akin.
"Really? how come your face doesn't match what you say?"
Tanong nito ngunit kibit balikat lang ang sinagot ko.
"Saan ka ba napulot ni Summer? You don't seem to be like any other person. There's something in you..."
Kunot noo niyang komento habang nakatitig sakin.
"You're very unique."
Saad niya na ikinangisi ko.
"Kaya nga baliw sa akin ang pinsan mo."
Nang dahil sa sinabi ko hinila niya ako palapit sa kanya.
"Ikinatutuwa mo pa!?"
Sigaw niya sa mukha ko ngunit blanko lang ako.
"Bakit ka ba nagagalit???"
Pang-aasar ko pa sa kanya.
Di ko alam pero ikinatutuwa ko ang pagkaasar niya.
"Maam nandito na tayo."
Pagsingit ng driver niya.
Napangisi naman ako.
"Bitbitin niyo yan."
Utos niya sa mga tauhan niya.
Binaba nila ako at bago pa pumasok ay sinikmurahan pa niya ako.
Medyo masakit pero sanay na ako. Isa lang yun sa daang suntok na natanggap ko.
Mas lalo siyang naasar nang tumawa ako.
"Suntok ba yun??"
Pang iinsulto ko na mas lalo niya pang ikinainis.
Hindi nakatakas sa akin ang pagpipigil ng tawa ng dalawang lalakeng nakahawak sa braso ko.
Imbes na sa mansion ako nila dinala ay isa itong maliit na resort.
Walang tao at tanging mga tauhan lang ang nandoon.
BINABASA MO ANG
The Assassin's Heart (gxg)
Romansa"White resembles purity, but to me... it's the opposite."