It's been 2 minutes since I've finished fixing myself at nakatayo ako sa harap ng malaking salamin habang pinagmamasdan ang sarili ko.
"Damn I look good."
Sabi ko sa sarili ko habang nakangiti.
"Wow may lakad ka ate??"
Biglang sulpot ng makulit kong kapatid then he entered sitting down on my bed habang humihigop sa chucky niya.
"Yes... Nicole and I have--"
"A date??"
Putol niya sa sinasabi ko habang nakangiti ng nakakaloko.
"You don't mind??"
Tanong ko then he shake his head answering no.
"Sa lahat nang ididate mo sa kanya lang ako boto."
Sabi niya.
"Di ka ba nandidiri??"
Tanong ko saka naupo narin.
"Why would I?? kung may open minded man sa atin ngayon ako yun. Nasa new age na tayo... tsaka... I like her a lot.. and I will be much happier kapag nagpakasal na kayo."
Kagad ko namang binatukan ang kapatid ko. Ang advanced ehh.
"Ikaw talaga.. ang gantong bagay di dapat minamadali... I want to know her still..."
"Okay... I just want to tell you that I support the both of you in all the way. Kami nina ate Lena.."
Napakunot noo naman ako.
"Alam nila na may date kayo ngayon. Sinabi ko kanina."
Kinurot ko naman sya sa tagiliran.
"Arayyyy.."
Reklamo niya.
"Chismoso ka talaga..."
Tumawa lang siya pero parehas kaming natigilan nang makarinig ako ng dumating na sasakyan.
"Sino yun??"
Tanong ko dahil ang alam ko wala namang kotse si Nicole.
Bumaba kaming dalawa at ako na ang nagbuluntaryong magbukas ng pinto.
Bumungad sa akin si Nicole.. She was wearing a tight jeans na high waisted at white polo shirt na naka 3/4. Tapos yung kulay itim niyang neck tie naka loose.
She looked so sexy... kailan ba yung time na hindi ako nasexyhan sa robot na to.
As usual,walang ekspresyon ang mukha niya. Feeling ko tuloy napilitan lang siya. -_-
She then cleared her troat tsaka inabot sakin ang boquet ng red rose na bulaklak na tinanggap ko rin naman syempre. Ako pa ba?
"Goodevening..."
Bati niya habang nakatingin sa kabuuan ko. She was actually checking me out.
"Done? bagay ba??"
Tanong ko while twirling around.
She slightly smile tsaka tumango.
A rare moment kaya napatitig tuloy ako sa kanya."Maganda ka naman kahit na anong suot mo."
Saad niya habang nakatitig sa mga mata ko na ikinailang ko. Halos mabingi na rin ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. See? ang lakas talaga ng effect sakin nito.
"T-Thank you.."
Sa buong buhay ko ngayon lang ata ako nahiya.
"Hi ate Nicole!!"
BINABASA MO ANG
The Assassin's Heart (gxg)
Romance"White resembles purity, but to me... it's the opposite."