Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SUMMER
Patuloy ang pagtakbo ko hanggang sa makakita ako ng maliit na eskeneta saka ako tumakbo papunta doon at nagtago sa likod ng isang basurahan.
Akala ko ligtas na ako pero napatili ako nang biglang sumulpot sa likuran ko ang isang lalake.
"Mga tol!! andito!!"
Sigaw niya saka na nagsidatingan ang iba pa niyang kasamahan.
"Sinasabi ko naman sayo na wala ka nang matatakbuhan..." Sabi nung pangit na lalake na puro tattoo sa buong katawan.
Lumapit sila sa akin habang nagtatawanan...
Napapikit na lang ako habang umiiyak sa sobrang takot...
pagdilat ko nasa harapan ko na ang mukha ng lalake kaya naman amoy na amoy ko ang mabahong hininga nito.
Habang hawak ako ng isang kasama niya at nagpupumilit akong makawala pero useless yun dahil di hamak na mas malaki siya sakin.
Akma na niya akong hahawakan nang may lumipad na bato sa noo niya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Almirah's younger version)
Natigilan kaming lahat saka niya hinawakan ang parte kung saan tumama ang bato na ngayon ay dumudugo na saka siya natumba at nawalan na ng malay.
Napalingon kaming lahat sa bandang likuran at nakita ang isang babae na siguro ay kaedad ko.
Mahaba ang buhok niya at nakasuot ng kulay puting t-shirt at skirt.
May hawak hawak siyang mga bato sa kamay niya.
"Boss!!!!"
Sa sobrang gulat nila nahuli na ang reaksyon nila.
"Anong ginawa mo!?"
Sigaw nung isa pero parang walang naririnig ang babae kaya naman nainsulto ito at naglakad palapit sa kanya.
Pero imbes na lumayo ay muli siyang bumato na tumama sa mukha ng lalaki kaya napaupo ito sa kalsada nang dahil sa sakit.
Tanaw ko ang paglapit ng babae sa kinaroroonan namin saka binitawan ang mga bato na hawak niya saka pinulot ang tubo na nasa isang tabi.
Dali dali namang sumugod sa kanya ang natitirang apat pang mga lalaki saka sila nagsimulang magrambulan. Napapapikit na lang ako sa tuwing tumatama ang tubo na hawak niya sa mga katawan ng mga lalaki. Naririnig ko ang tunog nito sa tuwing tumatama ito sa mga ulo nila. Tila parang wala lang sa kanya yun dahil wala man lang ekspresyon ang mukha niya.
Matapos ang ilang segundo ay nakahandusay na ang bugbog saradong mga lalaki.
Lahat sila wala nang malay saka siya napatingin sa akin. Matalim siya kung tumitig kaya naman napayuko ako.
"Sa-Salamat.. maraming salamat.."
Naiiyak kong sabi.
Inaasahan kong sasagot siya pero pag-angat ko ng mukha wala na siya.
Naglaho siya na parang bula.
Naiwan akong nakatunganga doon.
Ilang araw akong di makatulog noon nang dahil sa kanya.
Ni hindi man lang siya nagpakilala sa akin.
Kinuwento ko sa mga magulang ko ang nangyari at pati sila nagtaka kung sino ang taong iyon.
Sinubukan siyang ipahanap ni Daddy pero sa kasamaang palad mukhang mailap din sa amin ang tadhana.
Umaasa ako noon araw-araw na makikita ko siya pero wala.
Hanggang sa lumipas ang ilang taon at nakalimutan ko na rin ang ibang detalye ng mukha niya.
Pero isa lang ang tumatak sa isipan ko at ang nag-iisang pagkakakilanlan ko sa kanya.
Yun ay ang kanyang kakaibang titig. Ang mata niya na parang nakikita ang buo mong pagkatao.
Nung isang araw.. sa fast food chain.
May nakita ako.. pakiramdam ko siya yun pero di niya ako kilala kaya naman naisip kong baka hindi nga siya.
Mababa ang buhok niya na kulay puti habang nakasuot ng salamin. Siguro kung iba yung may ganung kulay ng buhok matatawa ako pero bumagay sa kanya.
Sinubukan kong makipagkilala sa kanya pero mailap siya.
Lumabas siya ng kainan na hindi man lang ako tinitingnan o kinakausap.
Nainis talaga ako.. Di niya ba ako kilala?
Napasabunot ako sa buhok ko.
"Sum.. ba't ba di ka makamove on sa kanya? urgh!!"
Sigaw ko.
Upang makalimot ako ay dinial ko ang numero ni Stacy sa cellphone ko at tinawagan siya.
"Oh? kailangan mo?"
Tanong niya.
"Let's go drink."
Yaya ko.
"What's this? are you fantasizing over her again?"
Natatawa niyang tanong kaya napairap ako.
"This is crazy."
Sabi ko.
"You're crazy... it's been five years pero di mo parin siya makalimutan?"