Chapter 18

3.4K 156 11
                                    

Kasama ko ngayon si Limery na nagpapanggap na Maria ngayon at isang party girl na babae na halata naman sa suot niya.
Kung ako ang tatanungin hindi talaga bagay sa kanya yung pangalan.

"Mauna ka na sa cafeteria may pupuntahan lang ako."

Sabi ko saka niya ako pinakatitigan.

"San punta mo ha? hindi ba ipapakilala mo ako dun sa Felix na yun."

Saad niya.

"Magbabanyo lang ako."

Sagot ko naman.

"Naku wag ako ha... sasama ako."

Sabi niya kaya naman wala akong nagawa.

Ang totoo magbabanyo naman talaga ako.

Naglalakad kami papunta ng banyo nang matanaw ko ang grupo ng mga babae na naglalakad habang nagtatawanan at nang mapansin ako ni Lena kaagad siyang kumaway saka niya hinila ang tatlo papunta sa direksyon namin.

"May new friend ka ata?"

Tanong Stacy habang minamata si Limery. Si Limery naman panay nguya lang sa bubble gum niya.

"Maria.. classmate ko si Nicole."

Sabi niya saka nakipagkamay kay Stacy. Hindi ko alam kung guni guni ko lang o talagang may tensyon sa pagitan nila.

Dumako ang tingin ko sa kasama nilang nakatingin din sa akin.

"Nice to meet you Maria... Stacy here... and this is Lena, Ivory and Summer."

Sabi niya habang tinuturo ang mga kasama niya.

"Kumusta nga pala Nicole? mukhang puyat ka?"

Tanong ni Lena.

"Oo. Maraming bagay lang kasi ang tumatakbo sa isip ko."

Sabi ko saka pinasadahan ng tingin si Summer na tahimik lang sa isang tabi.

"Ay teka!  gusto mo bang sumama sa saturday???"

Sabat ni Ivory.

"Oo nga pala... sa saturday kasi may outing kami and we're actually wondering kung gusto mong sumama."

Sabi naman ni Lena.

"Oo sasama siya."

Sabat ni Limery.

"Pwede ko bang isama si Maria? depressed kasi siya baka makatulong sa kanya."

Pagsisinungaling ko. Tutal pinasubo niya ako.

"Woah really? oo naman.. naku wawa ka naman."

Sabi ni Ivory.

"Oo.. actually kakagaling niya lang ng psychiatrist nung isang araw at yun ang bilin sa kanya."

Seryosong sabi ko saka napatingin kay Limery na ang sama ng tingin sakin. Saka ko siya inakbayan.

"Oh sige alis na kami. Kailangan niya na kasing uminom ng gamot."

Sabi ko saka ko siya hinila.

"Bye! kita tayo sa place ni Summer ah! 7:00 am!!"

Sigaw ni Stacy 

Itinaas ko na lang ang hinlalaki ko bago kami tuluyang makapasok ng banyo saka niya ako tinulak.

"Bakit mo sinabi yun!? ginawa mo pa akong baliw!!!"

Inis niyang sabi pero prente lang akong pumasok ng cubicle.

Paglabas ko nakatingin parin siya ng masama sakin.

"Nga pala... Kapag nakausap mo na si Felix anong balak mo?"

Tanong ko.

"Hindi ba bali-balitang matinik raw sa baabe yon?"

Tanong niya saka ako tumango.

"Kaya nga naging madali lang sakin ang papaniwalain siya."

Sagot ko.

"Kung ganun ginawa mo na yung iniisip ko?"

Napatingin naman ako sa kanya.

"Ano pa ba ang pwede kong gawin bukod dun?"

Napangisi naman siya.

"Papano kaya kung dalawa tayo?"

Tanong niya.

"Maganda yan. Mas maganda kung ikaw na ang gumawa nun at ako na lang ang magtatrabaho sa ilalim."

Tumango naman siya.

"Nga pala.. Pano mo naging kaibigan yung mga babaeng yun? and did you not know who the hell are they?"

Napakunot noo naman ako.

"Anong ibig mong sabihin?"

Tanong ko.

Napanganga siya.

"You mean di mo alam?"

Di makapaniwala niyang tanong.

"Ang alin? pwede ba diretsuhin mo na lang ako?"

Inis na sabi ko saka siya napailing.

"Summer Choi, anak ni David Choi na kapareho ang rango kay sir Lee. Lena Malcova anak ni Niall Malcova na head ng intellegence Unit. Ivory Aquino, the daughter of Monsor Aquino na namamahala sa heavy uquipments Unit... and lastly Stacy Anderson anak ni William Anderson na founder ng association."

Natahimik ako.

"Oh my god.. you are the most feared assassin pero hindi mo alam to?"

Di makapaniwala niyang tanong.

"Hey, I have a lot in mind and most of them tungkol lang sa trabaho ko. At isa pa... walang dapat nakakaalam ng tungkol sa mga pamilya nila as part of their security so dapat ako ang magugulat dito. Kung panong alam mo ang mga yan? Hindi ba't mahigpit na ipinagababawal yan?"

Seryoso kong sabi.

Nagkibit balikat lamang siya.

"Intel ako so di na bago yun. I actually know a lot of things about the association at ang iba doon sa akin na lang."

Sabi niya saka ngumiti.

"And what are those?"

Nakataas kilay kong tanong.

"I told you.. akin na lang yun. Unless you're actually hiding something."

sabi niya saka ngumisi.

Natahimik ako saka nakipagtitigan sa kanya.

"Huwag kang mag-alala dahil kung may malaman man ako hindi ko naman ipagsasabi. Curious lang talaga ako. "

Sabi niya saka ngumiti at lumabas na.

Naiwan akong tahimik rito habang napapaisip.

Paano pala kung alam niya ang tungkol sa buo kong pagkatao? at ang tunay na relasyon ko kay Papa.

At isa pa... Si Summer at ang mga kaibigan niya. Siya pala ang mga anak ng kalaban ni Papa sa Association. Ang tanga ko ni hindi ko naisip yun.

The Assassin's Heart (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon