Ang daming dahilan para umiwas. Ang daming dahilan para lumayo. Pero heto ako nagmamaneho papunta sa bahay nila.
Napapailing ako sa sarili ko dahil ito ang unang beses na hindi ko sinunod ang utak ko. Parang gusto kong magmura.
Ilang minuto ang lumipas at ipinarada ko ang kotse ko sa dating pwesto nito. Napatingin ako sa relo ko at alas dyes na.
Ang totoo nahuli ako dahil kanina pa ako pabalik-balik sa kwarto ko. Napatingin ako sa bintana niyang nakapatay ang ilaw.
Lumabas ako ng kotse at napamura ako nang makita ang pick-up na nakaparada sa tapat kaya naman kaagad akong nagtago sa likod ng kotse ko.
Sinasabi ko na nga ba.
Nagtago ako sa dilim saka ako patagong naglakad papunta sa kotseng yun upang tingnan kung may naiwan bang tao at tama ako.
Nakatalikod siya mula sa akin habang nakasandal sa likuran ng kotse habang naninigarilyo.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya saka ko siya agad na hinatak at madaliang pinilipit ang leeg niya.
Matapos nun ay patago akong tumawid ng kalsada papunta sa kung saan hindi inaabot ng camera.
Hinugot ko ang panyo mula sa bulsa ko saka ko ito itinali upang matakpan ang kalahati ng mukha ko.
Matapos nun ay inakyat ko ang puno na dalawang dipa ang layo sa mataas na bakod ng bahay nila.
Bumwelo ako ng mabuti saka ako tumalon papunta sa bakod saka yumuko. Tumalon ako at nagtago sa likuran ng isang halaman at gumapang sa kung saan masisilip ko ang harapan ng bahay.
Kung titingnan aakalain mong normal ang paligid pero kita ko ang guard's house mula dito na walang tao.
Gumulong ako papunta sa gilid ng ding-ding kung saan pwede akong umakyat. Hindi ako pwedeng dumaan sa baba dahil baka makasalubong ko sila at hindi ako pwedeng gumawa ng kahit na anong ingay.
Lumambitin ako mula sa window grills saka ko isinabit ang kanan kong paa sa terrace ng second floor at nang makaipon ng sapat na lakas ay hinila ko ang sarili ko saka ako madaliang kumapit sa semento dahil kung hindi mahuhulog ako.
Nang makaipon muli ako ng lakas hinila ko ulit ang kalahati ng katawan ko pataas gamit ang dalawa kong paa na nakakapit sa semento. So bale para akong nagbabaras gamit ang aking dalawang paa.
Nang makaupo ako sa semento ay kaagad akong bumaba saka nagtago sa pader. Sarado ang ilaw dito sa labas at sarado rin ang ilaw sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung kaninong kwarto ito dahil nasa kabilang bahagi ang kwarto ni Summer.
Dahan dahan kong pinihit at suwerte namang hindi ito nakalock saka ko dahan dahang sinilip ang ulo ko. Nang masigurado kong walang tao sa kwarto ay pumasok na ako at dahan dahan tinungo ang pintuan.
Mula rito ramdam ko ang mga yabag mula sa kanang bahagi ng bahay ngunit malayo rito.
Muli ay dahan dahan kong binuksan ang pinto saka ko siniguradong walang tao sa labas. Mabuti na lang at nakapatay ang ilaw nang sa ganun madali akong makakagalaw.
Tinungo ko ang kaliwang banda ng hallway saka ako naghanap ng mga kwarto. Isang kwarto malapit sa hagdan ang una kong tinungo saka ko idinikit ang tenga ko.
Dinig ko mahihinang pag-iyak mula sa loob saka ako pumasok.
Bumungad sa akin ang sampong kasambahay at ang anim na bodyguard nila na pareho-parehong nakatali habang nakabusal ang mga bibig. May isa pang duguan pero sa tingin ko sa braso lang yun kaya kumuha ako ng damit at ipinilipit iyon sa sugat niya upang pigilan ang pagdudugo.
BINABASA MO ANG
The Assassin's Heart (gxg)
Romansa"White resembles purity, but to me... it's the opposite."