Chapter 25

2.6K 125 4
                                    

"You've been so slow lately my daughter. Inabot ng halos isang buwan ang huli mong assignment. Care telling me what's been distracting you?"

Seryosong tanong niya habang nakatayo sa harap ko hawak ang isang baso ng alak. Kita ko ang kaonting pagkadismaya sa mukha niya at naiintindihan ko kung bakit.

"Pagod lang siguro ako."

Maikling sagot ko habang nakatitig sa labas ng bintana.

"Sana nga pagod ka lang anak."

Baling nito sa akin.

"Kung talagang pagod ka. Bibigyan kita ng pahinga."

Napatingin naman ako sa kanya.

"Hindi na kailangan Pa."

Natigilan ako nang bumaling siya sa akin.

"Magpapahinga ka muna. You need to regain your self. You can go now."

Saad niya saka na tumalikod.

Wala akong nagawa kundi ang tumayo sa kinauupuan ko at lumabas ng opisina niya na dismayado sa sarili ko.

Oo kahit ako naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kong mabaling ang atensyon ko sa iba.

Nakayuko ako habang naglalakad ng walang ano ano'y may humatak sa akin papunta sa kabilang pasilyo saka ko pinilipit ang kamay nito at sinalampak sa pader habang nakaharang ang braso ko sa leeg niya.

Huli na nang makilala ko kung sino ito kaya kaagad akong bumitaw.

"Limery! bobo ka ba? muntik na kitang patayin."

Sabi ko habang siya nakahawak sa leeg niya habang umuubo.

"O-O.A ka! tsaka pwede ba!? magsorry ka muna?"

Singhal nito sa akin.

"Kasalanan mo."

Sabi ko saka akma nang aalis nang hilahin niya ako uli.

"Ano ba?"

Galit na tanong ko.

"May kailangan akong sabihin sayo. Tungkol kay Summer."

Bigla akong napabaling ng tingin sa kanya.

"Oh diba? pag usapang Summer alert ka? halata ka eh."

Pinaningkitan ko siya at hinila ang kwelyo niya 

"Sabihin mo na."

Sabi ko.

"Oo na! Tangina naman ang atat eh!"

Tinapik niya ang kamay ko habang inaayos ang damit niya.

"Yung jowa mo nababaliw na. Pinaiimbestigahan ka niya at mukhang nawawala na sa katinuan. Mabuti na lang at nakaalis din ako kaagad bago niya paman ako ipahanap."

Natahimik ako sa nalaman ko. Gustuhin ko mang makita siya pero hindi na pwede dahil ilalagay ko lang sa panganib ang buhay niya.

"Alam kong sinabi kong dapat layuan mo na siya pero habang pinagmamasdan ko siya at ikaw. Mas gugustuhin ko na lang na magsama na kayo."

Napatingin ako rito saka ako naglakad paalis. Humabol siya sa akin at sumabay maglakad sa akin.

"Wag mo na akong bigyan ng dahilan para balikan siya pakiusap."

Baling ko sa kanya.

Hindi na siya muling umimik pa.

Nang tuluyan na kaming makalabas ng building ay hinarang niya ako.

"Sa tingin ko ngayon na ang tamang oras para sa alak."

Makalipas ang maraming oras...


"Mahal ko siya! p-pero ayaw kong mapa-hamak siy- a... siya lang ang nag-hik! iisang babaeng mama- hik! mamahalin ko!"

Sigaw ko habang hawak ko sa kwelyo niya si Limery. Nahihilo na ako at hindi ko na rin maaninag si Limery.

Tumutulo ang mga luha sa mga mata ko.

"H-Hoy! ki-hik! kikausap kita.."

Pilit ko siyang niyuyog pero wala tumba na siya.

"Psh! wala ka pala ehh!"

Nilapag ko ang bayad sa counter saka hilong bumaba sa upuan ko.

Nakahawak ako sa ulo ko habang naglalakad nang may bumangga sa akin kaya napasandal ako sa isang lamesa. Ang pinakaayaw kobsa lahat ay yung binabangga ako.

"Sorry... you seem drunk. Want a ride home??"

Pilit kong inaninag ang mukha nito saka siya dinuro.

"You? a-ako sasama sayo? hik! -you're weak.. I bet you won't last - a round."

sabi ko saka ngumisi.

"Anong sinabi mo!?"

Singhal niya ngunit nauna na ang kamao ko sa mukha niya. Lasing man ay hinila ko braso niya saka ko ito inikot papunta sa likuran niya saka ko sinalampak ang mukha niya sa lamesa.

Narinig ko ang pagtigil ng malakas na musika. Yumuko ako saka bumulong sa tenga niya.

"Next time kikilalanin mo ang binabangga mo kalbo."

Humihiyaw siya sa sakit nang sipain ko sya sa ano niya.


Doon ko lang napansing gulat na nakatingin sa akin ang mga tao.

"Bastos ehh "

Turo ko sa lalaking ngayon ay namimilipit sa sahig.

Pasuray suray akong naglakad palabas ng bar habang pilit na inaaninag ang dinaraanan ko.

Pagkalabas hinanap ko kaagad ang kotse ko na nakalimutan ko na kung saan ko pinarada.

Sa sobrang hilo napasandal ako sa isang kotse habang ang dalawang kamay ko ay nakatukod sa dalawa kong tuhod.

"Hey... are you okay?"

Saad ng isang babaeng may malamig na boses.

Napatingala ako sa kanya pero dahil sa kalasingan hindi ko makuhang makilala ang mukha niya.

Muntik na akong matumba ngunit naramdaman ko ang dalawang brasong nakayakap sa bewang ko. .

"Geez you're so drunk!"

Sigaw niya ngunit tuluyan nang nandilim ang paningin ko.
















The Assassin's Heart (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon