Chapter 28

4.1K 185 19
                                    

Bumaba ako ng kotse habang nakatanaw sa matangkad na building.

Naglakad ako papasok nito pero bago yun pinakita ko muna ang pekeng i.d ko sa gwardya. Matapos tingnan ang bag na dala ko ang kaagad niya na rin akong pinapasok.

Matagal na rin simula nung pumunta ako sa condominium na ito. Huli ko itong ginamit siguro tatlong taon na ang nakakaraan.

Sumakay ako ng elevator saka pinindot ang pinakamataas na floor kung nasaan ang kwarto ko.

Ilang minuto lang tumigil na ang elevator at bumukas.

Hindi susi kundi Pin code at finger print ang ginagamit ko kapag pumapasok rito.

Pinindot ko ang anim na numero saka ko idinikit ang hinlalaki ko sa salamin.

Noon nga'y bumukas na ito at saka na ako pumasok. Tumambad sa akin ang makalat na kwarto at maalikabok. Matagal na rin kasi simula nung pumunta ako rito. Hindi ito nakasaad sa mga pagmamay-ari ko dahil temporarya lang naman akong nanatili rito.

Inilapag ko ang mga dala kong gamit at panlinis saka ako naghubad ng t-shirt.

Sinimulan ko na ngang maglinis at mag-ayos at makalipas ang ilang oras nagmukhang tirahan ulit ito ng tao.

Medyo napagod ako kaya naupo muna ako sa may veranda habang umiinom ng malamig na tubig.

Matapos magpahinga nagsuot na uli ako ng damit upang mamili ng mga supply sa bahay.

Nagmaneho ako papunta sa pinakamalapit na supermart.

Pagkapasok tulak tulak ko ang cart habang paisa-isa kong nilalagay ang mga kakailanganin sa bahay.

Halos dalawang cart na ang mga pinamili ko at nang mapagtanto kong wala na akong nakalimutan ay tinungo ko na ang counter at doon pumila.

Napatingin ako sa isang batang babae na nakatitig sa akin kaya ngumiti ako. Nahihiya siyang nagtago sa Mama niya na lalo ko pang ikinangiti.

Bigla tuloy pumasok sa isip ko. Magkakapamilya rin kaya ako? mararanasan ko rin ba ang normal na buhay?

Dati naman hindi ko naiisip ang mga ito. Pero simula nung makilala ko si Summer nagbago na ang pananaw ko sa buhay. Nalungkot ako sa isiping yun.

Nang makabalik ako sa condo ay inayos ko na ang mga pinamili ko.

Ngayong tapos na ang pag-aayos ko ng bahay ay ipinadala ko na ang address kay Summer.

"What's this?"

Reply niya na ikinailing ko. Diba halatang address yung binigay ko?

"Address."

Maikling sagot ko.

"ADDRESS NG ANO NICOLE????"

Maniniwala ba kayo kung ngayon mismo nakikita ko ang mukha niyang galit nanaman?? Di ko alam kung bakit pero natutuwa ako.

"Puntahan mo na lang kung gusto mo akong makita. Pero kung ayaw mo okay lang."

Sagot ko.

"SINABI KO BANG AYAW KO NICOLE?"

Napabuga na lang ako. Kailangan ba talagang sabihin yung pangalan ko? ay este pekeng pangalan ko?

Isa pa to sa problema ko. Paano kung malaman niyang di talaga Nicole ang totoo kong pangalan?

"Papunta na ako."

Huling reply niya kaya nagshower na ako. Nakakahiya namang humarap sa kanya na puro ako dumi.

The Assassin's Heart (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon