Chapter 33

725 35 0
                                    

"if someday I lost my memory of you, just remember my heart only beats for you."

Almirah's p.o.v



Bumaba ako sa harap ng bahay na ilang beses ko nang napupuntahan, pero ngayon parang hindi na ito tulad ng dati.

Ngayong alam ko na darating ang araw na kakailanganin ko nang lisanin ang lugar na to pati na rin ang mga taong nakilala ko rito.

"Ate Nicole?"

Bumaling ako ng tingin kay Chris na may hawak na tennis ball at pawisan.

"Bakit nakatayo ka lang dyan?"

"Ah wala naman. Nasan ang ate mo?"

Tanong ko saka sumilay ang ngiti sa mukha niya.

"Nasa kwarto niya ate."

Tumango na lang ako saka pumasok ng bahay at nagtungo sa kanyang silid.

Kumatok muna ako bago ito buksan at doon ay bumungad sakin ang tulog na si Summer.

Mukhang napagod siya sa taping nila. Hindi na kasi ako nakakasama nang dahil nga sa bumalik na ako sa trabaho.

Naupo ako sa tabi niya saka siya pinagmasdan.


"Nicole?"

Papikit-pikit akong napatingin sa kanya sa gulat.

Gising pala siya.

"Sorry I was staring."

Sabi ko saka siya ngumiti.

"Creepy pero ok lang. Mas gusto ko pa nga yan e."


Sabi niya habang nakatitig sa mga labi ko.

"Wala bang kiss dyan sa robot ko?"

Sabi niya saka lumapit sa akin at pinanggigilan ang pisngi ko.

Hindi ko na tuloy mapigilang tumawa.

"Di na ako robot ah, may robot bang tumatawa? Ang laki na nga ng pinagbago ko e."



"Oo nga e, remember love? That day sa fast food? You were really scary."


Naalala ko pa yun. Pero kahit ako man ay nagtataka. Kung paanong nagbago ako bigla.

Just months ago I was shooting someone's head.

Tapos ngayon ni hindi ko na ata kayang manakit. Maliban na lang pagdating sa kanila.

Dahil handa kong itaya ang buhay ko masigurado ko lang na ligtas sila.

"Natakot ka talaga?"


"Sorry."

I said to her then kissed her forehead.

"Awww baby okay lang bumawi ka naman e."

"Isa pa, even though you scared me. Hindi nawala sa isip ko yung taong nagbigay sakin ng pangalawang buhay. Yung taong nagligtas sakin ilang taon na ang nakakaraan. I feel like we were really destined for each other. Thank God I waited."

"You're worth it mahal ko."


I'm not good at emotions. Hindi ko naiintindihan ang ganitong klaseng bagay.

Hindi parin sakin malinaw kung bakit sa tana ng buhay ko ngayon ko lang ata to naramdaman.

Si Summer lang ang gumawa nito sakin, yung iparamdam sakin ang maging normal.



Nagtataka akong napahawak sa pisngi ko at napatingin sa palad kong may bakas ng mga luha.

Ito ang unang beses na may tumulong luha sa mga mata ko.




"Ganito pala pakiramdam."

Saad ko sa aking sarili saka nakangiting tumingin sa kanya na niyakap ako ng mahigpit.

"Summer."




"Hmmm?"




"May gusto akong hinging pabor sayo."

Sabi ko saka humiwalay sa kanya at tinitigang maigi ang mga mata niya.

Kunot noo siyang tumango saka sumagot.

"Oo naman ano ba yun?"


"Promise me."

Sabi ko, then she smiled lifting her hand.

"Ipangako mo...."


"Na kapag dumating ang araw na makalimot ako..."

"Kung gaano kita kamahal..."

"Please remind me."

Naguguluhan man ay tumango parin siya.

"I promise."



Muling dumaloy ang luha sa mga mata ko bago muling magsalita.

"At tatandaan mo palagi na..."



"Mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko."





















The Assassin's Heart (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon