Chapter 1: Almirah

10.8K 221 4
                                    

Pumasok ako sa elevator saka inayos ang salamin na suot suot ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pumasok ako sa elevator saka inayos ang salamin na suot suot ko.

"What floor po Miss?"

Tanong ng isang lalaki na nakatayo sa tabi.

"Floor 25."

Maiksing sagot ko. Nakatayo sa tabi ko ang isang babae at dalawang lalaki naman sa likuran ko.

Kusang bumukas ang pinto nang makarating na kami sa floor na patutunguhan ko. Kaagad akong lumabas ng elevator saka naglakad sa walang katao-taong hallway.

Tumigil ako sa kwartong paroroonan ko saka saglit na tumayo sa harap nito.

Ilang minuto na lang ang lilipas at siguradong pauwi na ang taong pakay ko kaya sinimulan ko nang buksan ang pinto at nagtagumpay naman ako.

Naalala ko pa nung unang beses na may sapilitan akong binuksang pinto. Sa una lang ako nahirapan pero matapos nun nakuha ko na.

Pumanhik ako sa loob ng kwarto nang hindi binubuksan ang ilaw. Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto at sa tingin ko hindi niya ito masyadong ginagamit dahil kakaonti lamang ang gamit.

Tumayo ako sa harap ng isang malaking salamin na bintana habang tinatanaw ang tila mga bituin na ilaw sa labas.

Napahinga ako ng malalim saka naupo sa sofa. Inilabas ko ang baril ko saka pinaikot rito ang silencer. 
Nang natapos ako ay inilapag ko ito sa ibabaw ng center table saka ko isinandal ang ulo ko sa sofa. Pumikit ako nang marahan habang pinapakinggang mabuti ang papalapit na mga yabag papunta sa kwartong kinaroroonan ko.

"18... 19.. 20... 21...22..23...24..."

Noo'y bumukas ang pinto at narinig ko rin ang pagsara nito.

"25.."

Kasabay ng pagbukas ng ilaw. Pagdilat ko isang gulat ang mukhang lalaki ang bumungad sa akin. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa akin.

"Goodevening Mr. Lopez."

Bati ko.

"S-Sino ka!? papaano ka nakapasok dito!?"

Sigaw niya.

"Pasensya na pero trabaho lang to."

Sabi ko saka pinulot ang baril na nasa ibabaw ng mesa.

"T-Teka!! S-Sino ka ba!? wala naman akong ginawa sayo!"

Sigaw niya pa habang papaatras na lumalakad.

Pero bago paman siya makatakbo ay tinamaan ko na ang kanang binti niya kaya naman natumba siya saka napasigaw sa sakit.

Lumapit ako sa kanya saka siya tinitigan.

"Pakiusap! maawa ka!!"

Sigaw niya.

Napangisi naman ako.

The Assassin's Heart (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon