Magkakasama naming nilisan ang isla, ilang oras ang lumipas bago dumating ang rescue namin at nakakapanlumo nang malaman ko ang bilang ng nga tao kong nawalan ng buhay nang dahil sa engkwentro.
Siguro kung hindi bumalik si Mirah ay malabong mabuhay pa ako.
Napatingin ako sa dako nila ni Summer na ngayon ay magkasandal na nakaupo sa loob ng ambulansya.
Habang ako ay nakahiga sa recliner at si Doc naman ay nasa tabi ko't nakahawak sa kamay ko.
Napangiti ako nang nakita siyang mahimbing na natutulog sa tabi ko habang nakasandal ang ulo niya sa bakal ng kama ko.
Ngayon ko lang napagmasdan ng mabuti ang mukha niya saka ako napangiti nang dahil sa ginagawa ko.
Ngayong oras pa talaga ako naglandi.
"Ok ka lang?"
Nabigla ako nang makita si Mirah na gising pala.
"Ah--oo... Kala ko tulog ka."
Sabi ko saka siya umiling at ngumiti.
"Handa ka talagang samahan ni Sum hanggang kamatayan ah?"
Nakangisi kong sabi saka siya napatingin sa isa na tulog at nakasandal sa balikat niya.
Ni hindi man lang nito ininda na yung dugo na nagkalat sa damit niya.
Ang higpit pa ng pagkakahawak niya sa braso ni Mirah na para bang ayaw niya itong pakawalan.
Kapag nakikita ko silang ganito, naiisip ko na mabuti nga't hindi ko pinabayaan si Mirah.
Kung nakinig ako noon sa kanila na dapat ko nang patayin siya ay baka hindi ko masasaksihan ang napakagandang pag-ibigang meron sila.
"Di ko naman hiningi to."
Saad niya habang nakatitig sa kanya.
"Hindi ko kailanman inisip na may taong magmamahal sakin ng ganito."
Sabi pa niya.
"Kaya nga kailangan mong gawin ang lahat para matapos na to. Para dumating na yung araw na magkakasama kayong dalawa na walang iniisip na panganib."
Sabi ko.
"Yun ang gagawin ko ngayon, pwede mo ba akong tulungan?"
Napangisi na lang ako saka tumango.
"Alam mong kakampi mo ako sa lahat Mirah."
Nang dunating kami sa headquarters, kaagad na nilang ginamot ang mga sugat namin at siniguradong okay na kami.
Matapos nun ay pinatawag na kami ni Chief kasama si Mirah dahil naoagdesiyunan na nilang isama siya sa operasyon.
Dahil malaki ang maitutulong niya sa paghuli sa kanyang ama.
"We have recorded multiple vehicles entering the facility and our intel confirmed that one of those vehicles is the they've been using into transporting smuggled weapons. Three days ago may nangyaring engkwentro sa pagitan ng kampo nila at ng mga sundalo nating nag conduct ng checkpoint sa kalsadang madalas nilang daanan."
"This was taken after the incident and one we noticed..."
"Iisa lang ang uri ng armas na ginamit ng mga sumugod sa inyo sa isla at ng mga naka engkwentro nila..."
"Obviously, hindi na sila nagtatago. Philip knows what we want and he's trying to get our attention. Alam niyang lalapit at lalapit tayo."
"It's his way to lure us in his place at pagkatapos doon niya na tatapusin ang lahat. Siguradong may plano siya kapag hindi sumang-ayon sa kanya ang tadhana."

BINABASA MO ANG
The Assassin's Heart (gxg)
Romance"White resembles purity, but to me... it's the opposite."