Almirah's p.o.v
"Mirah, welcome back. Sana naman nakabalik ka na sa dati mong estado."
Saad ng aking ama na nakapamulsa sa harap ko habang humihithit sa sigarilyo niya.
"May ipapagawa ka ba?"
Walang emosyong tanong ko.
Naisip ko, hindi ako pwedeng magpakita ng pagbabago sa kanya. Dahil sigurado akong aalamin ang dahilan kung bakit.
"Seems you're back, I like that."
Kasabay noon ay ang paglapag niya ng isang pamilyar na kulay itim na envelope sa lamesa na aking inabot.
Binuksan ko ito at ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ang mukha sa litrato na bumungad sa akin.
Hindi maaari...
"Bakit? Kilala mo ba?"
Kunot ang noong tanong sa akin ng aking ama kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Hindi. Pamilyar lang."
Sagot ko.
"Kaya hindi pa kita pinaaalis sa eskwelahang yun dahil doon kasalukuyang nag-aaral ang dalawa niyang anak. Now, like what you always do, befriend them at kumuha ka ng personal na impormasyon. Since mahina pa ang mga foreign allies natin, kailangang umuwi muna siya bago natin maisagawa ang plano."
"Mahina? Hindi ba't marami kang koneksyon doon?"
Tanong ko.
"Pero mas marami ang koneksyon niya. Hindi ko kayang tapatan yun. Kailangang nasa teritoryo ko siya nang sa ganun ay wala na siyang kawala."
"Now, Almirah. I want you to succeed on this as soon as possible...walang distractions... Dahil ang kapalit nito ay tiwala ko. Naiintindihan mo?"
Tumango na lamang ako bilang tugon habang nakatitig parin sa litrato niya.
"Sa oras na malaman ko na mayroon kang iba pang inaatupag, I'll make sure to get rid of that. Don't test me."
Pano kaya kapag nalaman niyang kasintahan ko ang anak ng gusto niyang ipapatay?
Oh shit.
I have to make sure no one would know about her, kasi kapag nalaman ni Papa ang tungkol sa kanya.
Sigurado akong may gagawin siyang hindi ko magugustuhan at ayokong umabot kami sa puntong kaming dalawa ang magkakabangga.
Bakit sa dinami dami pa ng tao sa mundo siya pa?
Karma ko na ba to? Sa mga kasalanang ginawa ko?
Humigpit ang hawak ko sa manebela nang dahil sa pagkabahala.
Hindi ko alam kung anong maaaring mangyari.
"Nasaan ka."
Bungad ko sa tawag.
"Nasa bahay, bakit?"
"Papunta ako."
Sabi ko.
"Duhh? Kailangan pa magpaalam?? Bigla bigla ka naman sumusulpot dito eh."
Hindi ko mapigilang mapangiti nang dahil doon. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko yung matinis niyang boses.
"Nicole--"
Hindi ko na tinapos at binaba na ang tawag.
Makalipas ang ilang minuto nakarating na rin ako sa bahay nila at ipinarada ang kotse ko.
BINABASA MO ANG
The Assassin's Heart (gxg)
Romance"White resembles purity, but to me... it's the opposite."