Sabado ngayon at nag iimpake ako ng kaonting gamit na dadalhin ko para sa outing namin.
Ngayon kahit papano nagpapasalamat ako kay Limery sa ginawa niya. Kasalukuyan na siyang naghihintay sa labas ngayon.
Nang matapos ako kaagad ko nang nilock ang pinto ng apartment ko.
Pagbaba ko nadatnan ko siyang nakahiga sa ibabaw ng bubong ng kotse niya habang nagpapatugtog sa speaker niya.
Nakuha niya pang kumanta kaso wala ito sa tono.
Napailing ako dahil pinagtitinginan siya ng mga taong dumadaan.
Nang makalapit na ako pinulot ko ang maliit na bato tsaka ko ito binato sakto sa noo niya kaya siya napatayo at napabuga nang makitang ako yung bumato.
"Langya! akala ko kung sino.. magpapaulan na sana ako ng bala."
Saad nito tsaka tumalon pababa ng kotse.
"Oohh... ang sexy mo nemen."
Sabi nito tsaka pabirong sinundot ang tagiliran ko.
"Gawin mo yun ulit sisipain kita."
Sabi ko pero tumawa lang siya.
Pumasok na kami ng kotse niya at siya'y nagmaneho na papunta sa bahay nina Summer.
Nang makarating kami pamasid masid siya sa paligid ng bahay at napakunot noo ako nang makitang napangisi siya.
"Bakit??"
Tanong ko.
"Huh? anong bakit??"
Tanong niya sakin habang nakakunot noo.
"Bakit ka nakangisi?"
Tanong ko.
"Nakangisi? ako?"
Pag dedeny niya.
"Pwede ba pumasok na tayo??"
Sabi niya tsaka niya ako hinila pero tinulak ko siya palayo sakin kaya muntik na siya madapa.
"Pakshet aray!!! Bastusan!!??"
Napangisi na lang ako saka naunang maglakad sa kanya.
Pagpasok namin nadatnan naming naghihintay sila sa sala habang nagtatawanan.
"Hi!!!'
Bati ni Limery kay kaagad silang nagsibati sa amin.
Kaagad din namang dumako ang tingin ko sa babaeng nakasuot ng flower dress ngayon na bagay na bagay sa kanya.
"Ate Nics!!"
Sigaw ni Chris na papababa ng hagdan bitbit ang bag niya.
Niyakap niya ako tsaka kami nagkwentuhan muna.
Maya-maya nagyaya na sila at tumulong kami ni Limery sa pagdadala ng mga gamit sa kotse.
Ako na rin ang nag-ayos nito sa likod.
Iisang Van lang ang gagamitin namin na pag-aari ni Lena. Siya daw kasi nakatuka sa transportation. Si Stacy naman sa Location. Si Ivory sa activities at si Summer sa pagkain.
"Ate! dito ka!"
Sigaw ni Chris mula sa bintana ng kotse saka ako pumasok.
Pagtingin ko sa tabi ko si Summer pala kaya napatingin ako kay Chris na nakangiti ng nakakaloko sa harapan.
Bale nasa tabi ako ng bintana.
Pangtatluhan ang upuan at sunod na pumasok si Limery na naupo sa tabi ni Summer.
BINABASA MO ANG
The Assassin's Heart (gxg)
Romance"White resembles purity, but to me... it's the opposite."