I had to go somewhere na hindi niya ako pwedeng masundan. Mabilis akong tumakbo palabas ng room at pumunta doon sa pinakatagong parte ng university, sa may bandang likod ng gym. Tumakbo pa ako dahil akala ko susundan niya ako gaya ng mga nakikita ko sa movies pero ang gago di man lang sumunod. Kahit respeto man lang, kunwari pero waley. Bwesit!
Dahil wala naman akong maisip na gawin, nilibang ko nalang ang aking sarili. Kinuha ko ang camera na nakasabit sa leeg ko at nanguha na lang ng magagandang larawan. Dahil maraming halaman sa parteng yun may nagliliparan din mga paru-paru. Magaganda ang mga kulay kaya nalibang ako. Ilang minuto din ang ginugol ko doon. Nang makuntento na sa mga kuha ko saka pa ako tumigil.
I was all smiles looking at the pictures in my camera but my smile faded when I saw two familiar men approaching my way. If I'm not mistaken I saw them hanging out with Kuya Joe before. I don't know much of Kuya Joe's friends since he didn't grow up with us.
The one with a man-bun immediately waived his hand greeting me, while the other one with gray eyes holding some building plans just smiled and nodded.
"Hi Miss, why are you here alone?" the one in a man-bun asked. I didn't answer I just smile a little and showed them my camera.
"Don't you have class?" it's the man with the gray eyes this time.
I shook my head. I'm not used to talking to strangers pero mukhang mababait naman ang mga ito. Feeling ko hindi na sila estudyante base sa ayos nila. They look more matured than the usual students. Mga kaedaran na ata ito ni Kuya Joe at kung siguro si Kuya Joe naging masipag din sa pag-aaral niya tapos na rin ito.
"May faculty meeting ang mga teacher namin." tipid kong sagot sa kanilang dalawa saka muling binalik ang tingin sa camera ko.
"You should not go here alone. Wala masyadong pumupunta dito,delikado para sa 'yo." umangat ang tingin ko sa kanila pagkatapos nilibot ko ang tingin sa paligid. Wala nga masyadong nagagawi dito dahil nasa likurang parte na ito ng gym at may ginagawa pang bagong building.
"Ngayon lang naman ako napunta dito." mahinang sagot ko sa kanila. "Tsaka marami naman pong tao oh." tinuro ko yung mga construction worker na nagtatrabaho sa unahan. Pagkatapos kinuha ko ang camera at kinuhanan sila ng picture.
"Kayo po anong ginagawa niyo dito? Kunan ko kayong picture ha?" hindi paman sila nakasagot dalawa tinutok ko na ang camera sa kanila at kinunan sila ng larawan. Pagkatapos tiningnan ko ang kuha nila, in fairness walang ka-effort-effort pero para silang mga totoong modelo.
"Isa pa Miss." Sabi nung naka man-bun na medyo makulit. Pagkatapos hinila niya si Kuyang gray ang mata para gawing background yung building sa likuran nila. Game ko din silang kinunan ng larawan at kwela din silang dalawang nagpo-pose doon. Papasa talaga silang modelo, lalo na nung sinuot nilang dalawa ang hard hat nila at kunwaring tumitingin dun sa planong bitbit nila.
"Gwapo kami dyan, Miss?" tanong ni Kuya naka man-bun. Hindi ako sumagot pero pinakita ko sa kanila ang mga kuha ko. "Naks! Partida Brute oh, gwapo ko dito."
"Anong hangin ang nahithit mo ngayon Villegas at sobrang ligalig mo naman ata? Mas gwapo pa rin ako sayo wag ka nga." saka nag-apir silang dalawa.
" Ipa-process ko po 'to tapos bigyan ko kayo ng copy kapag nakita ko po kayo ulit." sabi ko. "Gwapo niyo po tingnan dito parang kayo yung architect niyang building sa likod." Papuri ko sa kanila pero ngumiti lang silang dalawa sa akin.
Pagkatapos naming mag-usap, nagpaalam na silang dalawa na may titingnan lang daw sila doon sa ginagawang gusali. Naiwan ako ulit mag-isa. May kalahating oras pa para sa next subject ko kaya pinili kong manatili muna doon.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 9 : The Billionaire's Regret (KNIGHT WHARTON SARMIENTO)
RomantikKNIGHT WHARTON SARMIENTO WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Sometimes you need to give up on people not because you don't care but because they don't. Samantha Corrine Dela Vega - She has the life everyone was drea...