"Who are you?" Rook asked in a serious tone. He was looking intensely at the man who is kneeling in front of them. Knight his dog is beside him barking and ready to attack the man.
Nanginginig ang mga kamay kong humawak sa anak ko pero hindi ko ito pinahalata sa kanya. Tumingala ito sa akin, natatanong ang mga mata pero tipid lang akong ngumiti sa kanya na parang wala lang. Pagkatapos nalipat ang tingin niya sa lalaking nakaluhod sa harapan niya. Tinitigan niyang mabuti ang mukha nito saka bumalik ang tingin sa akin na nakakunot ang noo.
Rook is a very smart kid. Sa paraan palang ng pagkakunot ng noo at pagkasalubong ng mga kilay niya alam kong may mga katanungan na itong namumuo sa utak nito.
"Do you know him, Mom? Why is he crying?" He asked throwing a glance at him. I didn't answer him, I smiled a little and reached for his head and patted it gently.
"Why are you here? Who are you?" baling niya dito pero hindi ito nakasagot. Lalo lang dumami ang luha mga luhang nag-uunahan sa pinsgi nito habang nakatingin kay Rook at bago pa mauwi sa kung saan marahan kong hinaplos ang ulo ni Rook.
"Get inside RA, it's late. You need to wash up." Kalmado kong utos sa kanya. Kita ko ang pagprotesta sa mga mata niya pero sinenyasan ko si Yaya Emy na kunin na ito.
"Tara sa loob, Rook." mahinang tawag ni Yaya Emy pero hindi man lang ito gumalaw. Muli itong tumingin sa akin, nakikipagsukatan.
"Get inside, RA. I'll follow." Seryoso kong utos sa kanya.
"But, Mom--"
"Now, son." saad ko sa mababang boses. Nagtatanong ang mga mata nitong tumitig sa akin bago humawak sa kamay ng yaya niya. Akala ko aalis na ito pero muli nitong tiningnan ang taong nakaluhod sa harapan niya.
"Go to your home, Mister. Don't cry here." Masungit niyang sabi bago nito binalingan ang aso niyang kumakahol.
"Let's go, Knight." tawag niya sa aso.
Nakita kong natigilan ang lalaki pagtawag ni Rook sa aso niya. Mabilis itong tumayo sa pag-aakalang siya ang tinatawag ng bata. Pero bago pa siya makahakbang palapit sa anak ko lalong naging agresibo ang aso at nagngangalit na kumahol sa kanya.
"Stop barking, Knight! I know your annoyed, me too. Let's go. We'll play again tomorrow. " inaya na nito ang alaga niyang aso.
"And you, Mister, leave. We don't want stranger in our property." sinamngutan niya pa ito saka tumalikod at pumasok kasama ang aso niya.
Kita ko ang sakit na dumaan sa mga mata nito pero agad kong iniwas ang tingin. Hinintay ko munang makapasok si Rook sa loob ng bahay bago ako bumaling ulit sa kanya.
"R-Rook?" he breathes. His lips trembled, his eyes covered with tears. "My Rook."
The rage of betrayal of pain rose again after hearing him whispered my son's name. Wala siyang karapatang malaman ni banggitin ang pangalan ng anak ko.
Nalipat ang tingin niya sa akin at sunod-sunod na nangilid ang malalaking butil ng luha mula sa mga mata niya.
"L-love." he said almost in a whisper. Humakbang ito ng isang beses palapit sa akin pero mabilis akong umatras palayo sa kanya na walang emosyong pinapakita.
He started crying and even moved closer. He looks weak and miserable but I know better. Hindi na ako madala sa mga ganitong pagpapaawa. Pagkatapos ng lahat ng mga pinagdaanan ko wala ng puwang ang awa sa puso ko para sa kanya, para sa kanila, at para sa lahat ng mga taong nanakit at nagtraydor sa akin.
Nanghihina ang mga mata niya tumingin sa pintong pinasukan ng anak ko at tuluyan na nga itong humagulhol
"He's my son." He whispered in pain and regret. But there's something in his voice telling me that he is so sure that he's claiming Rook as his own. Lalo lang bumangon ang galit ko para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 9 : The Billionaire's Regret (KNIGHT WHARTON SARMIENTO)
RomanceKNIGHT WHARTON SARMIENTO WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Sometimes you need to give up on people not because you don't care but because they don't. Samantha Corrine Dela Vega - She has the life everyone was drea...