Chapter 32

23.9K 612 310
                                    

It was a tough life. At some point we are struggling with our lives. Kuya Joe got into accident, my parents separated  and our company is going down. But Kuya Sandro stood up for all of us and managed to get back on the right track. 

Kahit papano naisalba ni Kuya Sandro ang kompanya namin. Siya ang pumalit sa lahat ng responsibilad ni Daddy. 

Sa paglipas ng mga taon bumalik  si Kuya Joe sa dati. Hindi pa man niya nakikita ang asawa niya pero alam kong unti-unti nagiging maayos ang buhay niya. He's building his own name. 

While Me, I continue with my life.  Other people think that I'm living the life. They thought that I am the luckiest and that I don't have problems. Yung tipong akala nila sobrang swerte ko na dahil nasa akin na ang lahat.  Pera, kayamanan, namamayagpag na karera, mga material na bagay. 

Lahat ng mga bagay na gustong makamit ng iba ay nasa akin na. Pero hindi lang naman yun ang basehan.  Hindi lahat ay nakukuha sa materyal na bagay, sa panandaliang kasiyahan at mapagkunwaring tagumpay. 

 I maybe am happy from the outside but deep inside I am drowning in pain. Hindi naman nila nakikita kasi ang nakikita lang naman nila sa akin ay yung mga gusto ko lang namang ipakita sa kanila. At yun ay yung masasayang bahagi lang ng pagkatao ko. Na masaya ako, na wala akong problema. 

No one knows how miserable and broken I was inside. Buong-buo ako sa panlabas pero hindi nila alam kung gaano ako kadurog sa kaloob-looban ko.  Everyday struggling to fight all the heartaches.

 It took years for me to rebuild myself. But still, all through out those years I am still not fully healed. There's still this part of me that is broken and can't be repaired no matter what. 

Na kahit anong panlilinlang pa ang gawin ko sa aking sarili, alam kong ang sugat at marka ay nanatiling nandun lang. Hindi na ganun kasakit pero andun lang. 

At hindi ko alam kung darating pa ba ang panahon na tuluyan itong maghilom o baka habang buhay na itong maging bahagi ng pagkatao ko. 

"Healing takes time, princess." My mom said crying. I look at her with eyes full of unshed tears. This is also what I am reminding myself for a long time now.

I am just feeling the pain, keep feeling it, until it pains no more.

 Someday, maybe, all these pain will be gone. 

Wala namang permanente dito sa mundo. Balang araw tuluyan ding mawawala lahat ng sakit na nararamdaman ko. Tuluyan ding maghilom ang sugat dito sa puso ko. 

Andito na kami sa isla. Kasama ang anak ko. Kailangan  naming lumipad dito para sa seguridad namin ng bata habang nasa korte na ang kaso laban sa mga taong sangkot sa lahat ng mga nangyari at panloloko sa amin ni Knight. 

"Sorry if I wasn't there for you, Baby." Mom said hugging me more but I shook my head. It's not Mom's fault and until now I still feel guilty hiding everything from her. 

But during those time, that's the only way I thought, that could spare them all from more pain. I can't add more heartaches to our family. 

"I'm so sorry, Mommy. I know kahit anong gawin ko ngayon hindi ko na maibabalik lahat sa dati. Sobrang laki ng kasalanan ko sa inyo, naglihim ako tungkol sa relasyon namin ni Knight at higit sa lahat tinago ko ang tungkol sa anak namin. You  deserve to know the truth but I chose to hide everything from you. But despite all that you still chose to forgive and accept me and my son."

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong humingi ng tawad kay Mommy at Daddy at sa tuwing ginagawa ko yun kita ko ang sakit at pagsisisi sa mga mata nila. Isang malaking kasalanan talaga ang paglihim ko sa kanila tungkol sa relasyon namin ni Knight. Kung pwede ko lang balikan ang lahat itutuwid ko, pero wala na tapos na. 

Tainted Series # 9 : The Billionaire's Regret (KNIGHT WHARTON SARMIENTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon