Parang pinira-piraso ang puso ko sa bawat hakbang palapit kung saan siya nakahiga na puno ng kung anong aparatong nakakabit sa katawan niya. Kahit anong pigil ko, walang ampat ang pag-uunahan ng mga luha sa aking pisngi. Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko dahil labis akong nanghihina, nasasaktan.
This is not the Knight I wanted to see after years. Kahit gaano pa kalaki ang kasalanan niya sa akin ni minsan hindi ko ninais na aabot kami sa ganito.
It's so painful and heartbreaking, looking at him unconscious and fighting for his life. The man I prayed for, the man I wished to spend the rest of my life with is now battling for his life. The man whom I wanted to be the father of my kids is now losing his hope.
Oh God. Why? Where did we go wrong? Until when we have to suffer?
Hindi ito ang gusto ko. Hindi ito ang pinapanalangin ko. Mas gugustuhin ko pang makita siyang masaya sa piling ng iba kesa yung ganitong nag-aaagaw buhay siya. Bakit kami umabot sa ganito?
Ngayon, hindi ko alam paano sasabihin sa anak ko ang tungkol sa tatay niya. Paano ko sasabihin kay Rook na nag-aagaw buhay ang daddy niya?
"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam k-kung anong ...kung anong sasabihin ko. Ang daming tanong na ilang taon ng nasa utak at puso ko." Panimula ko. Gusto kong pigilan ang mga luha ko pero patuloy lang ang mga ito sa pag-agos.
Oh God I missed this man. I missed him. I missed the feelings in his arms. Mali ito diba? Alam kong mali ito pero bakit ito ang nararamdaman ko ngayon?
I should not be here. I should be hating him and continue hating him until I don't feel anything. But why can't I?
"Bakit Knight? Bakit tayo umabot sa ganito? Matagal ko ng gusto kong itanong sayo ito. Saan ako nagkulang? Anong pagkakamali ko? Bakit mas pinili mong pinawalaan ang ibang tao kesa sa akin?"
"Alam mo na una palang na ikaw lang ang lalaking minahal ko. Alam mo kung gaano ako naghabol, kung gaano ko pinagtulakan ang sarili ko sayo. Ako ang nangligaw diba? Ako ang namilit, ako ang nagpapansin? Bakit hindi mo man lang ako nagawang pakinggan noon? Bakit mo hinyaang masira tayo?"
"Sobra akong nasaktan sa ginawa mo sa akin. Ikaw lang Knight...i-ikaw lang lalaking hiningin ko sa Kanya. Ikaw lang ang lalaking pinagdarasal ko, araw-gabi. Ikaw lang gusto kong makasama habang buhay. Kahit na durog na durog na ako umaasa pa rin ako na hahabulin mo ako. Na hahabulin mo kami ng anak mo. Umaasa akong bawiin mo lahat ng masasakit na salitang binitawan mo. Galit na galit ako sayo pero mahal na mahal pa rin kita."
"Gabi-gabi pinapalangin ko na sana... sana mawala na lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ilang buwan, ilang taon hindi ko alam kung kailan maghihilom ang lahat ng sakit. Sobrang nadurog ako Knight, ang sakit-sakit. Sobrang sakit na hindi ko alam paano gamutin. Sa tuwing pipikit ako, mukha mo ang aking nakikita. Nagigising akong ikaw ang unang gusto kong makita. Ikaw ang aking hinahanap."
"Ang dami kong gustong gawin kasama ka, ang dami kong gustong maranasan na ikaw ang kasama. Ang dami kong gustong ikwento sayo. Ang dami kong gustong isumbong. Nagtago ako sa lahat ng tao pero sa kaibuturan ng puso ko, umaasa ako na mahahanap mo kami. Na gagawa ka ng paraan para mahanap mo kami pero hindi nangyari."
"Sobrang hirap nung pinagbuntis ko ang kambal Knight. Ang dami kong gustong kainin pero ang hirap, walang magbibigay sa akin, walang bibili. May pera akong pambili pero akot na akong matiwala kahit kanino. Takot akong baka mangyari ulit ang nangyari sa akin. And dami kong takot Knight pero kailangan kong tatagan ang loob ko."
"Ang bigat ng mga anak mo. Kailangan ko ng karamay sa tuwing sumasakit ang likod ko pero wala akong kasama. Kailangan ko ng tulong sa tuwing lilipat ako ng lugar pero sarili ko lang ang karamay ko."
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 9 : The Billionaire's Regret (KNIGHT WHARTON SARMIENTO)
RomanceKNIGHT WHARTON SARMIENTO WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Sometimes you need to give up on people not because you don't care but because they don't. Samantha Corrine Dela Vega - She has the life everyone was drea...