Chapter 10

17.5K 414 384
                                    

Kinabukasan nagising ako dahil sa  boses ng kalalakihan na tila nagtatalo sa labas ng silid. Nakalipat na kami sa silid ni Knight, yong totoong silid. Hindi yung silid na para sa jugjugan. 

Agad kong hinanap sa tabi ko si Knight pero wala na ito doon. Mabilis akong bumaba ng kama pero bago ako nakakababa nabaling ang tingin ko sa isang pumpon ng bulaklak sa side table. A bouquet of white roses. May nakita akong maliit na card sa tabi nito, inabot ko yun at binasa. 

 Sam, 

Good morning to the best decision I ever made!

 I want you to know that I am so happy knowing that you are mine and I am yours. 

I love you, Corrine.

Love,

Knight

"What the hell have you done, Knight Wharton? Didn't I tell you, don't give them a reason to ban you from seeing her. Alin ang hindi mo naiintindihan doon? For fucksake she's too young! Akala ko ba nagkaintindihan na tayo? I told you, wait!"

Maingat kong binaba ang card sa tabi ng bulaklak para makababa na ako sa kama. Napapalakas na ang boses nung lalaking nagsasalita at kung hindi ako nagkakamali boses yun ng kapatid niya. 

Nahirapan pa ako sa paglakad dahil naramdaman ko ang hapdi sa pagkababae ko pero kailangan kong ayusin ang sarili ko para makalabas ako dito. 

Paika-ika akong naglakad papunta sa closet para palitan ang t-shirt ni Knight na pinasuot niya sa akin. Mabuti nalang at nilinisan niya na ako kaninang madaling araw. 

Hindi na ako naghirap pang maghanap ng susuotin. Kung ano lang yung una kung nakita yun na ang kinuha ko, puting t-shirt at jogging pants may panty at bra din doon.  

Pagkatapos kong magbihis dali-dali akong pumunta sa likod ng pintuan. Nagtago muna ako, titingnan ko muna kung sino ang mga kausap niya bago ako lalabas at magpakita. 

Mula sa maliit na siwang ng pintuan nakita ko si Knight kausap ang kakambal niya at meron pang dalawang lalaking kasama. Kilala ko ang isa, si Kuya na naka man-bun na kinuhanan ko ng picture doon sa may construction site at yung isa pang naka man-bun din. 

"I will speak to them, Knoxx. Handa naman akong panagutan si Sam. Tsaka bat ba kayo nagagalit sa akin ha? Ano bang kasalanan ko? Dahil ba dito natulog ang girlfriend ko sa unit ko?"

"The fuck, Fucker? Girlfriend mo na ang kapatid ni Dela Vega? Hala ka!"

"Tumahimik ka nga, Guerrero, you're not helping. Kahit kailan talaga chismoso ka."Saway ni Kuya naka-man bun. 

"Nagtatanong lang e, gagalet agad. Hot niyo naman." parang bata nitong sabi.

"Yes, Guerrero, she's may girlfriend now. May problema ba tayo doon?" masungit na sagot ni Knight doon sa lalaki. 

"Wala naman pero patay ka kay Mamon." sagot niya.  Pinakita niya pa ang hintuturo na tila ginigilitan ang leeg niya. Tinapunan siya ng matalim na titig ni Knight pero nginisihan niya lang ang huli. "Pero mas patay ka kay Sandro!"

"Why are you all here this early? Don't you think you're not disturbing me?" masungit na tanong ni Knight sa kanila. 

"Brute, nandito kami kasi maagang tumawag si Montenegro. Nagwawala daw ang panganay nila Dela Vega kasi hindi umuwi ang prinsesa nila. Ang sabi ni Gaden, puntahan ka daw kasi nagkita daw kayo kahapon. Alam mo daw ang sagot." si Kuyang naka man bun na piniktyuran ko nung nakaraan. Napansin ko pa ang pagsulyap niya dito sa silid ni Knight. 

Bigla akong kinabahan. Shit! Ngayon ko lang naalala. Nakalimutan ko palang mag-text kay Mom kagabi na hindi ako uuwi. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari kahapon wala man lang akong na-text kahit isa sa kanila na hindi ako uuwi sa mansion. 

Tainted Series # 9 : The Billionaire's Regret (KNIGHT WHARTON SARMIENTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon