Chapter 25

25.6K 662 485
                                    

"Who made my Mommy cry?"

Dali-dali akong pumunta sa punuan ng hagdanan pagkakita sa anak kong magkasalubong ang mga kilay. Bumaba ito sa hagdanan kasama ang aso niya at matapang ang anyong tumingin sa mga tao sa paligid niya. 

Pagtingin ko kina Kuya Sandro at Kuya Joe nakita ko ang pagkabigla sa mga mukha nila. Palipat lipat ang tingin nila kay Rook, kay Knoxx, kay Knight at sa akin. Pati ang mga kaibigan nilang maiingay ay hindi rin nakapagsalita. Bakas sa mukha nila ang gulat. 

"Rook, please go back to your room." mahinahon kong sabi sa kanya pero hindi ito tumingin sa akin. Sa halip matapang itong tumingin sa lalaking tumayo sa tabi ko na parang kalaban yung tingin niya dito.

"Son--" Knight lowered his body and tried to reach him but Rook cut him off. 

"Why are you here again, Mister?" malditong tanong niya kay Knight. Oo kay Knight lang dahil hindi ito napigilan ni Knoxx ng lumapit ito sa amin. 

Tahimik at hindi palakibo ang anak ko pero mabait itong bata. Hindi ito basta-basta nagmamaldito pero ngayon hindi ko alam kung bakit ito nagsusungit. 

"You're disturbing our night. What's your problem?" dagdag tanong niya kay Knight. Galit na tumahol ang aso sa tabi niya pero hindi niya man lang ito sinaway. 

Hinawakan ko siya pero hindi niya nilipat ang tingin sa akin. "RA..." tawag ko sa kanya. Pagkatapos tiningnan ko ang aso niyang nagngangalit na tumahol at handa nang umatake. 

"Shut up Knight!" saway ni Rook sa alaga. "Stop barking." Narinig ko ang mahihinang mura ng mga kaibigan ni Kuya pero hindi ko na ito pinansin. 

"RA, we'll talk later okay? Please go back to your room." malumanay kong sabi pero nanatili itong nakatitig kay Knight, nakikipagsukatan ng tingin. Pagkatapos nilipat niya ang tingin sa mga tao sa paligid saka pa tumingin sa akin. 

"What's the matter here, Mom? Who are these people? Why are they here this late?" sunod-sunod niyang tanong sa akin. Naramdaman ko ang paglapit ni Kuya Sandro at Kuya Joe sa amin. 

Masungit niyang tiningnan ang dalawa kong kapatid. 

"Princess?" tawag ni Kuya sa akin. Nalipat ang tingin ko kay Kuya. Nagtatanong ang mga mata niyang sumulyap kay Rook.

"Who are you? Why are you calling my mom princess?" pati kay Kuya Sandro nagsusungit na rin ito. Hindi siya sinagot ni Kuya sa halip tumingin ito sa akin na may namumuong luha sa mga mga mata. 

"Bunso?" si Kuya Joe, may luha na rin sa mga mata. Nalipat ang tingin ni Rook sa kanya. 

"How about you? Who are you?"

Naiiyak na ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa anak ko. Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag sa mga kapatid ko. 

Magsasalita na sana ako pero muli akong naunahan ni Rook. "What are you doing here in our house?" masungit niyang sabi. 

"RA, stop." Pero ayaw niyang paawat. Nilipat niya ang tingin sa mga kaibigan ni Kuya. Natigil ang mga mata niya kay Knoxx na seryoso ding nakatingin sa kanya. Nakipagsukatan siya ng tingin dito saka nilipat niya ang tingin kay Knight. 

"What's wrong with you people? This is our place. Why are you bugging us?" Parang naiiyak na ang boses nito. Ang aso sa tabi niya ay lumapit sa kanya. Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamay niya. He looks frustrated and mad.

 "And you..." balik tingin niya kay Knight. "Why are you here again? Why are you disturbing us."

"R-Rook."

"This is our house Mom. This people shouldn't be here." his tears started forming in the corner of his eyes but he was too quick to wipe it. " I don't like it here. These people are taking my peace. I want to go back to states."

Tainted Series # 9 : The Billionaire's Regret (KNIGHT WHARTON SARMIENTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon