"Mom?"
Rook looks confused. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin, sa tatay niya at sa bibang kambal na ngayon ay nakalapit na at agad na yumakap sa kanya. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Rook sa gulat dahil sa ginawa ni Sammy.
"Omg! Ikaw nga ang twinnie ko. Gossssh! I can't believe it. You really look like daddy." Sammy said still hugging Rook. Walang lumabas ni isang salita mula kay Rook. Talagang nagulat ito.
Mabilis kong inalalayan si Knight na tumayo . Sabay kaming nagpahid ng mga luha namin bago ako lumapit sa mga bata.
Ang kaninang inaantok na mata ni Rook ay puno na ng kuryusidad. He is still looking at his twin, confused. Habang si Sammy naman ay mukhang tuwang-tuwa pa sa nakikita nitong reaction ng kakambal niya.
"Kuya kambal, ako lang to! Ano ka ba? Haha!" she said cutely covering her mouth with her hand. " Look at my face oh, I'm so Mommy's look a like. We are both pretty, right?" biba nitong sabi kay Rook na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita. He remained looking at his twin. Pero ang Samantha liit ko ay ayaw paawat.
"Aww! My twinny is surprised. But it's okay kambal, masasanay ka rin da akin." she said smiling. "You are so handsome like our Daddy, you know. Anyway, my name is Samantha Ashley, you can call me Sammy and you are?"
I don't know what to feel, masaya akong nagkita na silang dalawa pero parang gusto kong maiyak. Rook isn't moving. Ramdam ko ang pag-aalinlangan niya. It looked like he didn't know what to do. He doesn't have any idea that his twin is alive. But I can see something in his eyes while his looking at Samantha.
Pinantay ko ang mukha ko sa kanilang dalawa. Hinawakan ko ang kamay ni Rook at pinaharap siya sa akin.
"Rook, you remember I told you before that you have a twin that is in heaven, our baby Angel?" I asked and he nodded. "It's not true that she's not with us anymore. It's a very long story anak but your twin sister is alive."
Lumingon ako kay Samantha. Nakangiti ito sa akin ngayon. Kung hindi nito nabanggit sa akin noon ang tungkol sa sakit niya iisipin kong wala itong sakit. She look so energetic.
Sinulyapan ko din si Knight. Nanatili ito sa kinatatayuan niya nakatingin sa aming tatlo at ngayon ay nababalot na naman ng luha ang mga mata. Lumunok ako dahil naramdaman kong parang may bumara sa aking lalamunan.
It's not the first time he saw Rook but now he looks more emotional looking at us, particularly at the twins.
Binalik ko ang tingin kay Rook na ngayon ay palipat-lipat na ng tingin sa kakambal niya at sa Daddy niya. Marahan kong inabot ang pisngi niya at pinaharap siya sa akin.
"Ashton...She is your twin." mahinahon kong sabi sabay lingon kay Samantha. Sinundan ni Rook ang mga mata ko. Kahit pa sabihing magkamukha kami hindi parin mawala ang kalituhan sa mga mata ni Rook. He grew up thinking that his twin didn't make it.
While Sammy remained looking at us waiting for a positive response from her twin. She is still smiling kahit pa walang reaksyon ang kakambal niya.
It's a very complicated story and I know it will take time for me to explain everything to them.
"Rook Ashton and Samantha Ashley, our names were so nice, kambal. It sounds so like Mommy, authentic." Sammy commented. When I looked at it's really as if I'm looking at my younger self.
"Sammy grew up with your...Dad, Rook." sabi ko, saka ko naman sinulyapan si Knight. Nag-uunahan na ang mga luha mula sa mga mata ni Knight dinig ko na ang mahinang hikbi niya. Nagsimula na akong mabahala at baka makasama sa puso niya. I want him to stop crying pero mukhang malabong mangyari yun.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 9 : The Billionaire's Regret (KNIGHT WHARTON SARMIENTO)
RomanceKNIGHT WHARTON SARMIENTO WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Sometimes you need to give up on people not because you don't care but because they don't. Samantha Corrine Dela Vega - She has the life everyone was drea...