Chapter 22

27.1K 606 397
                                    

"Sam, please! Please...Love don't leave me."

Hindi ako lumingon. Hinayaan ko siyang magmakaawa at tawagin ang pangalan  ko habang tumatakbo ako papasok ng bahay. 

"Love please! Sam! Listen to me Baby please..." 

Narinig ko ang komosyon pero hindi ko na tiningnan. Kasabay ng malakas niyang sigaw ng pagmamakaawa ay ang biglaang pagbuhos ng ulan. 

"Sam! Please! Baby, please listen to me. Nagmamakaawa ako."

"Sir, bawal po! Pasensya na!"

"Sam, Love! Please, nagmakaawa ako."

Kahit malakas ang buhos ng ulan dinig ko ang pagmamakaawa niya. Sinubukan kong wag siyang lingunin pero bago ko pa mapigilan ang sarili ko nagawa ko na. 

Kita ko siyang nakaluhod sa buhanginan, basang-basa sa ulan at nagmamakaawa ang mga matang tumingin sa akin. Hindi makalapit dahil sa mga  tauhang nakabantay sa kanya.

Agad kong iniwas ang tumalikod na sa kanya. Sumalubong sa akin si Tatang at Nana na may pag-aalala at mabilis akong pinapasok sa loob ng bahay. 

"Diyos ko! Ano bang nangyayari sa inyo? Heto  tuwalya, magpatuyo ko at baka ikaw naman ang magkasakit."

Kinuha ko ang tuwalyang binigay ni Nana sa akin. Hinanap ng mga ko ang anak ko, nag-aalala ako na baka narinig niya ang sigawan namin sa labas kanina pero wala ito doon. 

"Nasa silid niya si Rook kasama si Knight. Andun din si Emy at sinabihan ko yung wag hayaang lumabas ang bata hanggat hindi ka nakakapasok."

Tumango lang ako at nagpasalamat sa kanya. 

"Magpalit ka muna ng damit sa silid mo, nak para di ka magkasakit." sabi ni Nana. Pagtingin ko sa kanya nakita kong may isa pa itong tuwalya sa kamay niya. Hinihintay kong ibigay niya sa akin pero hindi nangyari kaya tumango na lang ako at nagpaalam sa kanila. 

"Tang, pakisabi sa mga tauhan na simula ngayon wag hayaan may ibang taong makalapit sa gate lalo na yung hindi niyo kilala. Wag kayong basta magpapasok nang kung sino-sino lang  at wag hayaang may makalapit kay Rook." sabi ko saka ako umakyat papunta sa silid ko. 

Naiwan silang dalawa sa sala na hindi nag-uusap. Mukhang hinihintay lang na makalayo ako. At nang nasa kalagitnaan na ako ng hagdanan narinig kong nagsalita si Nana. 

"Cardo, ibigay mo ito doon kay Sir Tonton. Tawagan mo ang tauhan niya na papuntahin ang doktor niya at baka aatekihin na naman yun." Natigil ako sa pag-akyat dahil sa sinabi ni Nana. Paglingon ko sa kanila ni Tatang binigay niya dito ang hawak niyang tuwalya kanina. 

Sinong Sir Tonton ang tinutukoy ni Nana?

"Puntahan mo mamaya at tingnan mo ang mag-ama at baka di maalagan ni Sir Tonton ang..." Inakay niya na si Tatang papuntang pintuan. " Sige na ibinigay mo na yan. Siguraduhin mong makapunta ang doktor nila ha. " Nakita kong tumango si Tatang sa kanya at hindi ko na narinig ang usapan nila  dahil lumabas na silang dalawa ng bahay. 

 Dumiritso ako sa silid ko. Mabigat ang bawat hakbang ko at nararamdaman ko ang paninikip ng aking dibdib. Pagkabukas ko ng pintuan nagulat pa ako ng makita kong nag-aabang sa akin si Knigh--ang aso na may malambot na tingin. 

Agad itong lumapit at dumikit sa akin. Na tila ba sinasabi nito na ayos lang. Na magiging maayos din ang lahat. 

Umupo ako at hinawakan ko ang ulo niya at marahang hinaplos. "Thank you, Knight. Thank you for protecting and making my Rook happy." masuyo kong sabi sa kanya. Tumahol ito na parang nakakaintindi sa akin.

"Thank you for being Rook's best buddy Knight. Please don't leave my son okay?" siniksik niya ang ulo niya sa katawan ko at nagpapalambing na humilig sa akin. 

Tainted Series # 9 : The Billionaire's Regret (KNIGHT WHARTON SARMIENTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon