"Bulaga!"
"Damn it, Guerrero! What the hell is wrong with you?"
Parang lumabas ang kaluluwa ko sa aking katawan sa sobrang pagkagulat nang pagkalabas ko ng elevator ay bigla akong ginulat ni gago. Nakayuko ako at saktong pag-angat ko ng tingin ang mukha ni gago ang una kong nakita.
"What the fuck, Brute?! " Para pa itong gagong tumawa ng malakas ng makita niyang nakahawak ako sa aking dibdib.
"Nagulat ka?" Ay hindi! Gago! "Napaka magulatin mo naman."
Alam ni gago na may sakit ako sa puso at bawal akong ginugulat pero heto parang walang pakialam ang buang. Lintek lang talaga. Maluha-luha pa ito sa kakatawa.
"You should have seen your face, Knight. You look so funny." he said laughing. Sino ang hindi magiging katawa-tawa? Talagang nagulat ako sa ginawa niya. "Para kang najejebs na ewan."
I told myself that I will distance myself from Guerrero dahil napakaligalig niya talaga. Pero heto ako ngayon sinusubok na naman ng panahon. The more na umiiwas ako sa kanya, the more naman na lumapait ito sa akin. I don't even know how the hell in this world he found out that I'm coming here in Nathaniel's office today.
Hindi lang ito maligalig sobrang daldal pa ni gago. He's annoying as fuck at hindi ka niya talaga titigilan hanggat hindi niya nakikitang napipikon ka sa kanya. Kung ano-anong mga kalokohan ang pumapasok sa isip niya.
Ewan ko nga ba sa lalaking 'to, ang dami niya atang oras na mabwesit sa akin. Hindi lang sa akin kundi sa aming lahat.
Sinadya ko ngang wag sabihin kay Knoxx na pupunta ako ngayon dito kay Nate pero heto may isa pa palang asungot. Agh! Sana pala sinama ko nalang ang kambal ko para may taga bara sa gagong 'to.
"What are you doing here huh?" aniya at umakbay pa sa akin. Agad kong tinanggal ang kamay niya sa balikat ko at masungit akong tumingin sa kanya pero hindi apektado ang gago. Lalo pang lumawak ang ngiti nito sa akin.
"Wala, tatambay lang. Bored ako sa office eh." parang wala lang na sagot nito saka sumabay na sa paglalakad sa akin.
Tahimik ang hallway ni Nathaniel. Okopudo niya ang buong floor at sila lang ng lalaking secretary niya ang nandito.
"Sobrang tahimik naman ng office ni Major, may nakalagay bang bawal mag-ingay dito?" komento ni Guerrero. Hindi talaga matahimik ang bibig nito. Palinga-linga pa ito sa paligid na akal mo ngayon lang nakapunta dito.
Ano kaya ang pakay nito ngayon? Hindi ako naniniwalang bored lang ito. Sinulyapan ko siya at sakto namang nakatingin ito sa akin kaya kinunutan ko siya ng kilay.
How would I tell Nathaniel that I want to buy the unit next to Samantha kung nandito si Guerrero? Tiyak malalaman ni Guerrero na nakikinig ako sa usapan nila ni Montenegro nung nakaraan.
Hindi ko naman talaga intensyon makinig sa usapan ng may usapan it's just that I accidentally heard the two of them talking na binilhan ni Sandro ng unit ang kapatid niya sa NDC Towers na pag-aari ni Nate. Pang-regalo daw ni Sandro kay Sam para sa eighteenth birtday nito.
Yes! She's turning eighteen in few months. Narinig ko din si Simone na nagtatanong kay Guerrero nung nakaraan kung ano ang magandang panregalo sa kapatid niya. Nakakainis nga at kay Guerrero pa siya nagtanong e kasama niya naman ako.
Bakit hindi sa akin? For sure mas maganda ang taste ko sa mga gifts kesa kay Guerrero? Ano lang naman ang alam ng gagong yan? Maliban sa manggulo sa amin at ang kumain ng maning hilaw, wala na.
Nakakainis! Feeling ko iniiwas ako ni Simone sa kapatid niya. May alam na kaya si gago? Pero kung may alam na siya I'm sure nasuntok niya na ako o di kaya kinompronta na pero wala pa namang nangyaring ganun. Baka hindi pa.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 9 : The Billionaire's Regret (KNIGHT WHARTON SARMIENTO)
RomanceKNIGHT WHARTON SARMIENTO WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Sometimes you need to give up on people not because you don't care but because they don't. Samantha Corrine Dela Vega - She has the life everyone was drea...