Epilogue -Part 1

24.8K 555 330
                                    

"Knight, anak, do you want to come with us?"Natigil ako sa pag-gigitara ng lumapit si Papá at Mamá sa akin. Nakaayos na ang mga ito at mukhang handa ng umalis.

Ako lang ang nandito sa mansion  ngayon dahil ang kakambal ko ay nagpaalam na pupuntahan niya si Cara. May project atang gagawin ang bestfriend niya at gustong tulungan ni Knoxx.

Hindi ako sumama sa kanya dahil wala ako sa mood simula pa kanina pagka-gising ko. Hindi rin ako lumabas ng mansion kahit na pinuntahan ako ni Guerrero dahil mabigat ang pakiramdam ko. Wala naman akong sakit it's just that I feel so lazy and not in the mood for anything today.

Wala akong ginawa mula ng umalis si Knoxx kundi ang mag-piano at mag-gitara. Ito ang paraan ko para marelax ako. Music makes me feel better.

"We are going to visit the Dela Vega's, you are friends with their sons right? Sandro and Simone?" Mamá asked.

Simone, yes but Sandro? Hmm, I don't think so. That brute is not talking to anyone. He's snob and always not in the mood to make friends with anyone. Palagi pang nakasimangot na parang pasan ang buong daigdig. Sobrang kabaliktaran ni Simone na nasobrahan din ang pagiging makulit at maligalig.

"We'll not take much time, son. May e-ko-close lang na deal si Papá at kikitain ko lang si Tita Bea mo tapos uuwi din tayo agad. Come on para makalabas ka naman."

I shook my head at them. I'm fine here alone. Uuwi din naman siguro si Knoxx pagkatapos nilang gawin ang project ni Cara.

Isa pa, Simone is not living with his parents. He grew up with his lola and I'm not sure if he's in their mansion today. I'm sure I will be bored kapag sasama ako kina Mamá.

"I'm good here Mamá. Don't worry about me po I can manage." I said smiling a little.

Ayos lang naman talaga sa akin na maiwan dito sa mansion pero mukhang hindi papayag si Mamá.

"Are you not feeling well, Baby? Kanina ko pa napansin na tahimik ka. Hindi ka rin sumama sa kambal mo." Lumapit si Mamà sa akin. Hinawakan ang noo pati ang leeg ko.

"Did you drink your medicine today? May masakit ba sayo? Do you want to go to your doctor?" Sunod-sunod niyang tanong kahit na umiling na ako. I can feel the worry in her voice. Mamá is always like this to me.

I'm really not sick. May mga ganitong pagkakataon lang talaga na nagigising akong mabigat ang pakiramdam.

"Hon, dito nalang kami ni Knight. Ikaw nalang ang pumunta kina Samuel. Just send my regards to Beatrice. I can't leave my baby here alone." Malambing na sabi ni Mamá, marahan niya pang hinaplos ang ulo ko. "I'll stay here with you, okay?"

"Ma, I'm really fine—" I protested but Mamá shook her head.

"No, Baby. I'm not leaving you here alone. Kawawa naman itong anak ko 'pag iniwan ni Mommy mag-isa. I can't do that to you, son. Alam mo naman na mahal ni Mommy ang baby Knight ko na yan diba?" Mamà said lovingly and my heart melted at that. Knoxx and I were so lucky to have a mom like Mamá. She is the sweetest and most caring mom. 

"I'm really okay Mamá, ayos lang po sa akin maiwan dito. Sige na po umalis na kayo ni Papá" Bigla tuloy akong na-guilty lalo na at nakita kong parang ayaw na rin tumuloy ni Papá.

I'm already fifteen but Mamá  is still treating me like I'm only five. She's always worried about me lalo na kapag ganitong mabigat ang pakiramdam ko. Siguro nag-aalala siya dahil na rin sa sakit ko sa puso.

"I will just cancel the meeting Hon. I will call Samuel and have the meeting next time. Work can wait. Sasamahan ko nalang kayo dito ni bunso."

"Mabuti pa nga Hon. Kawawa naman kasi itong Baby Knight natin kapag maiwan mag-isa dito."

Tainted Series # 9 : The Billionaire's Regret (KNIGHT WHARTON SARMIENTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon