Chapter 23

24.8K 649 376
                                    

"Love-"

"What are you doing here, Sarmiento?" matigas na sabi ni Kuya Sandro. Pagkatapos tumayo ito sa harapan ko, hinaharangan si Knight sa tangkang paglapit sa akin.

"Sam..." he glanced at me. "I just need to talk to Sam." humakbang ito palapit pero bago pa siya makapalapit malakas siyang tinulak ni Kuya Sandro bago ako tinago sa likod niya.

"What for? What do you need from my sister?" malakas na sigaw ni Kuya sa kanya. Nararamdaman kong nanginginig ang katawan ni Kuya sa galit. 

"Dreau." Nagmamakaawa itong tumingin sa Kuya ko. Pero tinutok ni Kuya ang baril na dala niya dito. "Please, nakikiusap ako. Gusto ko lang kausapin si Sam."

"Kausapin? Para saan? Anong ginawa mo sa kapatid ko? Anong kasalanan mo at bakit ka andito ngayon?" I can feel Kuya Sandro's muscles tensing, his fist is clenching.

"Brute, let's go. Wag muna. Hayaan mo muna silang magkapatid." si Kuya William kasama si Kuya Clayx na pumagitna kay Kuya at Knight. Walang pakialam kung may nakatutok na baril sa kanila. 

"No! Please... I just want to talk to Sam." Nalipat ang tingin niya sa akin. "Love, please...nagmamakaawa ako. Pakinggan mo muna ako--"

"Shut up! Wala kayong pag-uusapan!" malakas na sigaw ni Kuya sa kanila.  "Leave!" Hinawakan ko ang kamay ni Kuya dahil natatakot ako na baka iputok niya ang baril.

"Kuya, please put your gun down." I pulled him, trying to get the gun from him. "Give me the gun Kuya please." pinilit kong kunin ang baril sa kamay ni Kuya pero hindi ko mahawakan.

"What's happening here?" Nanigas ako pagkarinig sa isa pang pamilyar na boses. " The  fuck did you do to my sister?" Malakas na suntok ang dumapo sa mukha ni Knight mula kay Kuya Joe. 

"Kuya! Stop!" Malakas kong sigaw at sinubukang awatin si Kuya Joe pero bago pa ako makaalis sa tabi ni Kuya Sandra mahigpit niya na akong nahawakan.

"What did you do to my sister?! I trusted you, Fucker! But what did you do!!!"

"I'm sorry, Brute. I didn't know...I didn't. I swear, Brute! I swear! Hindi ko alam." Pero parang walang narinig si Kuya Joe sunod-sunod nitong pinaulanan ng suntok si Knight na hindi man lang lumaban sa kanya. 

Pati ang mga kaibigan niya ay walang nagawa. Hinayaan nilang suntukin ni Kuya Joe si Knight na hindi man lang lumalaban. Tinatanggap lang nito ang lahat ng galit ni Kuya Joe para sa kanya. 

"I trusted you. Akala ko iba ka pero anong ginawa mo sa kapatid ko? Isa ka ring gago!" Duguan na ang labi ni Knight  pero ayaw pa rin tumigil ni Kuya Joe. 

"Kuya stop! Please stop." My heart heart ache seeing my brother hurting him. Kahit may kasalanan siya sa akin hindi ko pa rin nanaiisin na saktan siya ng mga kapatid ko.

 "Kuya Dreau please stop them." pagmamakaawa ko kay Kuya pero walang reaksyong ang mukha nito. Mas galit pa ata at gusto pang ipabugbog si Knight.

"Sam, please baby. Let me explain. Let's talk." hindi ko na marinig ang ibang sinasabi niya dahil panay pa rin ang suntok ni Kuya Joe sa kanya. "Parang awa mo na, magpapaliwanag ako."

I was already crying. I feel like my heart is breaking again. Hindi ito ang gusto kong mangyari. 

"They fooled me, they fooled us. Please...pakinggan niyo muna ako. Nagmamakaawa ako." Tuluyan na itong lumuhod sa harapan ng mga kapatid ko. Umiiyak at nagmamakaawa. "Hindi ko gusto ang nangyari. Parang awa niyo, pakinggan niyo muna ako. Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya." malakas na itong humagulhol hawak ang dibdib niya at parang nahihirapang huminga. 

Si Kuya William at Calyx ang hindi nakatiis. Hinawakan nila si Kuya Joe sa magkabilang kamay at nilayo kay Knight. Nakita kong pumasok si Knoxx at lumapit sa kakambal niya. Pinapatayo niya pero nagmamatigas ito. 

Tainted Series # 9 : The Billionaire's Regret (KNIGHT WHARTON SARMIENTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon