Naiwan kami ulit ni Kuya Sandro dahil nagpaalam si Kuya Joe na pupunta muna siya sa ospital. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Galit pa rin ako sa kanya pero may parte sa puso ko na gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa kanya.
I hope he's fine.
Andito na ako sa loob ng silid ko. Si Kuya Dreau ay nagpaiwan muna sa baba kasi kinausap niya pa ang mga tauhan. Natutulog na si Rook sa silid niya.
Kanina pa ako palakad-lakad. Hindi ako mapakali. Naiiyak ako sa di ko malamang dahilan. Naninikip ang dibdib ko lalo't pumapasok sa isip ko ang luhaan mukha niya kanina. Galit ako, dapat magalit ako sa kanya pero bakit ganito ang nararamdaman ko.
Oh God. I don't know what to feel anymore. I'm so confused.
I'm not supposed to feel this. This is not right. This is not good for me. I am supposed to be mad at him.
Maya-maya may narinig akong mahinang katok mula sa labas ng pintuan ko. Napatingin ako doon. Anong oras na? Madaling araw na.
"Princess?" Boses ni Kuya.
Nagmamadali akong lumapit sa pintuan ko pagkarinig ko sa boses ni Kuya Sandro. Ano kayang kailangan niya at napasugod siya dito sa silid ko ng ganitong oras?
"Yes, Kuya?" I asked when I opened the door for him. But I stilled when I saw the worry in his face. "May problema ba?"
"Si K-Knight." he stammered.
"Why Kuya?" Biglang binundol ng kaba ang aking dibdib. "What happened to him? Is h-he...o-okay?"
Matagal bago ito sumagot nanantya muna itong tumingin sa mga mata. Yung puso ko parang lalabas na sa aking dibdib. Naramdaman ko na ang paninikip nito. Hinawakan ko ang kamay ni Kuya at nagmamakaawa akong tumingin sa mga mata niya.
"Kuya..." pigil ko ang sariling maiyak. Sa uri ng tingin ni Kuya sa akin parang...
No! Walang nangyaring masama sa kanya. Masamang damo yun. Malakas yun.
Isang malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ako nagsalita ulit.
"Anong kailangan ni Knight Kuya? Sabihin mo sa kaniya na wag muna ngayon." Pilit kong pinapalakas ang sarili. Pilit winawaksi ang masamang naiisip. Pinilit ko pang ngumiti para ipakita kay Kuya Sandro na ayos lang ako pero walang nagbagonsa reaksyon niya.
Naiiyak na ako. Nanginginig na ang labi ko sa pagpipigil sa sariling umiyak. Kinagat ko ang pang-ibabang labi, baka sakali mabawasan ang sakit na nagsisimula ng kumalat sa akin pero lalo ko lang itong nararamdaman.
"P-Pakisabing ayusin ko muna ang lahat. Saka ko na siya k-kakausapin. Ipa-ipaliwanag ko muna sa anak ko ang l-lahat..." Pero hindi ko napigilan ang panlalabo ng paningin ko sa dami ng luha sa aking mga mata dahil sa uri ng tingin ni Kuya sa akin.
"What happened to him Kuya? Wala namang nangyari diba? Diba kuya?"
"He's in a critical condition, Princess." Kuya said almost in a whisper pero klarong-klaro ito sa pandinig ko.
Mahabang katahimikan. Bigla akong nablangko, ayaw magproseso ng utak ko. Parang namanhid ang buong katawan ko pagkarinig sa sinabi ni Kuya. Dama ko ang paninikip ng aking dibdib at hindi ko na napigilan ang pag-uunahan ng mga luha sa aking pisngi.
"Your Kuya Joe called me, he said Knight is in ICU now and his condition is not stable. It was... c-code blue."
"Code blue? Oh God."
Tuluyan ng lumakas ang mga hikbi ko. Hanggang sa tuluyan na akong humagulhol. Mabilis akong inalalayan ni Kuya Dreau, pakiramdam ko nanghihina ako.
"The doctors are doing their best but he's fighting for his li--" tinakpan ko ang aking bibig at sunod-sunod akong umiling sa kanya. No! It can't be.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 9 : The Billionaire's Regret (KNIGHT WHARTON SARMIENTO)
Roman d'amourKNIGHT WHARTON SARMIENTO WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Sometimes you need to give up on people not because you don't care but because they don't. Samantha Corrine Dela Vega - She has the life everyone was drea...