"Samantha!" A familiar voice calling my name stopped me from walking. "Oh Shit! It's really you! How are you, Babaeng Amazona?"
Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko sa babaeng tumawag sa akin ng ganun pero ang bruha, walang hiyang tumawa pa sa akin.
"Nothing changed! Years passed but you're still the freak and trouble maker, Samantha Dela Vega. I heard what you did inside gurl. " saka ito yumakap sa akin. "I miss you, Samantha Maldita!
"Don't act like we're close, Marjorie. I accepted your apology but it doesn't mean we're friends. I still hate you for pulling my hair." Maldita kong sabi saka nagpatuloy na sa paglakad pero walang hiya naman itong sumunod sa akin. Inangkla pa ang kamay sa braso ko at deadma lang sa pagsusuplada ko sa kanya.
The Marjorie I'm talking about is the same Marjorie I fought back then. Nagkita kami three years ago sa Paris. Nagkausap kami at humingi ito ng tawad sa akin. Pinatawad ko na ito at piniling kalimutan kung ano man yung naging hidwaan namin nung kabataan namin kaya heto ang bruha nagpi- feeling close na sa akin.
We're okay though. Minsan nagkakamustahan kami sa chat pero hanggang doon lang. Takot na akong magtiwala ulit. After all the betrayals I received from the people around me, I find it hard to trust again.
"Lam mo di ka pa rin nagbabago, maldita ka pa rin. Mas masakit nga yung pagsuntok mo sa ilong ko dati eh. Ang laki kaya ng binayad ko sa doktor noon para ipaayos ito." Tinaliman ko siya ng tingin at sinubukang tanggalin ang kamay niyang nakahawak sa akin pero para itong linta kung makakapit sa akin.
"Bitch!" I spatted but she laughed more unoffended.
"Yes, Queen B. Yan ang na-miss ko sayo eh." I rolled my eyes on her. Ewan ko ba sa babaeng 'to, pagkatapos ng ginawa ko sa kanya nagawa niya pa akong kaibiganin.
"I heard what happened to you and your boyfriend." Tinaasan ko siya ng kilay. Tumatandang chismosa! "I didn't ask, kusa lang lumapit sa akin ang chismis." agad niya namang depensa pero inikutan ko lang siya ng mata.
"Let's go somewhere. I have something important to tell you." aya nito sa akin. Hindi ako sumagot dahil wala akong balak magliwaliw ngayon. I just want to go home and rest. This day is so tiring.
Patuloy lang ako sa paglalakad at ito naman ay nakahawak pa rin sa akin. Wala talagang balak na bitawan ang braso ko. Tatanggalin ko na sana ang kamay niya ng bigla itong magtanong sa akin.
"Remember that girl I tripped before?"
Tumigil ako sa paglalakad at awtomatikong humarap sa kanya. Sino ang makakalimot sa babaeng matagal ko nang hinahanap?
"I saw her, Sam." I looked at her and saw something in her eyes. Magsasalita pa sana ako pero nahila niya na ako papasok sa isang resto.
"VIP." sabi niya sa staff na sumalubong sa amin. May pinakita itong card sa staff at pinadiritso na kami sa isang pribadong silid.
Tahimik lang akong nakatingin sa kanya. Parang biglang nablangko ang utak ko at hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin. Walang salitang gustong lumabas sa aking bibig. It's been years but still I couldn't forget what that bitch did to me.
She ruined my life. Hindi lang ako kundi pati ang...
Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin ni Marjorie. Nakatitig lang ito sa akin na tila binabasa kung ano ang iniisip ko at ganun din ako sa kanya. Nung nagkausap kami sa Paris hindi namin napag-usapan ang tungkol sa babaeng yun. Kaya nagtataka ako kung bakit bigla niya nalang itong nabanggit sa akin ngayon.
"How are you coping up, Sam?" panimula niya.
Hindi ako sumagot, nanatili akong tahimik at matamang nakatingin sa mga mata niya. Naniniguro na wala itong binabalak na masama sa akin. Baka isa na naman itong patibong para makuha ang loob ko at para lokohin ulit ako pero wala akong makitang ganun sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 9 : The Billionaire's Regret (KNIGHT WHARTON SARMIENTO)
RomanceKNIGHT WHARTON SARMIENTO WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Sometimes you need to give up on people not because you don't care but because they don't. Samantha Corrine Dela Vega - She has the life everyone was drea...