Chapter 26

25.4K 675 427
                                    


KNIGHT

"Oh GOD. What have I done?" I uttered in pain and cried more. 

I saw Samntha cried harder. Ang sakit pakinggan ng mga iyak niya. Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa dahil galit ang mga kapatid niya sa akin. Mahigpit siyang niyakap ng Kuya at hinayaan itong umiyak. 

I was crying hard too and Knoxx is calming me down. I can feel my heart clenching inside. Parang may karayom na tumutusok tusok sa loob ng dibdib ko. Nahihirapan na din akong huminga pero hindi ako pwedeng umalis.

Hindi ako pwedeng lumabas sa bahay niya ng hindi ko man lang nasasabi ang mga dahilan ko. Hindi ako pwedeng umalis ng hindi nila naririnig ang side ko. Kailangan kong ipaliwanag sa kanila ang lahat kahit alam kong walang kapatawaran ang ginawa kong pantataboy kay Samantha at sa pagtanggi sa anak ko.

"I'm so sorry, Love. I-I'm so sorry." halos hindi ko na marinig ang aking boses. Unti-unti ko na ring nararamdaman ang pamamanhid sa bandang dibdib ko. Ang sakit. Sobrang sakit pero mas nasasaktan ako para kay Samantha at sa anak ko. 

Kailangan kong magpaliwanag. "Please let me explain. I'm so sorry...I'm so sorry." nagmamakaawa kong sabi. 

"You should be!" Simone spatted angrily. "Dahil sayo nawala ang pamangkin ko. Hindi mo naalagaan ang mag-ina mo!"

Lalong lumakas ang mga iyak ko. Dahil sa akin nawala ang isang anak namin at ang isa galit sa akin. Kasalanan ko lahat ng 'to. Kasalanan ko dahil hinayaan kong lokohin ako. Nagpakatanga ako. Nagpadala ako sa galit ko ng hindi ko man lang inalam ang lahat. Pero mas malaking kasalanang pinagtabuyan ko si Sam at ang anak namin.  

 Anong gagawin ko ngayon?

Oh GOD help me.

"After Kuya Joe's accident I chose to run away. Pinili kong magpakalayo at solohin ang sakit dahil ayoko kayong idamay sa pagiging miserable ko. Ayokong dagdagan ang problemang kinakaharap mo Kuya Dreau. Ayokong lalong lumala ang sakit ni Kuya Joe. Kaya kahit masakit, kahit mahirap, sobrang hirap, pinili kong solohin."

"Kaya ba hindi ka nagparamdam sa amin?" may hinanakit sa boses na tanong ni Sandro at malungkot na tumango sa si Sam sa kanya.

"Nagpakalayo-layo ako dahil nahihiya ako sa inyo. Nahihiya akong pagkatapos ng lahat na pagmamahal at pag-iinitindi niyo sa akin nagawa ko pa kayong traydorin, nagawa ko pa kayong paglihiman. Wala akong mukhang ihaharap sa inyo Kuya. Problema at kahihiyan lang ang dala ko. Nabuntis ako ng walang gustong kumilalang ama sa mga anak ko." muli itong humagulhol. 

Sa malaking sampal sa akin ang lahat ng sinabi ni Sam. My heart aches listening to all the pain I caused her. Napakalaki kong gago. Napakalaki kong tanga. 

"It's okay...it's okay, Princess. We are here. Your Kuya Joe and I are here. Kami ang tatayong tatay ng anak mo, walang iba." buo at may diing sabi ni Sandro. Kita ko ang galit sa mga mata niya habang nakatingin siya sa akin. "Kami ang magiging tatay ni Rook. Kami lang."

"Tell us what happened, Bunso. Saan ka pumunta? Bakit hindi ka mahanap ni Kuya?" Simone asked. 

Tumingin ako sa kanya. Gusto ko ding malaman dahil kahit ako hindi ko siya mahanap. She totally shut down all of us. Kahit may hinanakit ako sa kanya noong mga panahong yun dahil sa akala kong panloloko niya sa akin hindi ko pa rin siya kayang tiisin.

Sinubukan ko naman siyang habulin kaso hindi ko na nagawa dahil inatake ako ng sakit ko. Sobrang taas ng emosyon ko dahil sa galit ko at bigla nalang nanikip aking dibdib ata nawalan ako ng malay. Kung hindi agad nakabalik ang sekretarya ko baka wala na rin ako ngayon. 

Tainted Series # 9 : The Billionaire's Regret (KNIGHT WHARTON SARMIENTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon