Chapter 38

24.9K 722 347
                                    

"Yun naman pala, Sam! Sayo naman pala nanggaling eh. Sleep talk yern?"

 I frowned when Kuya's friends laughed after Kuya William said that to me in a teasing tone. I glared at him pero mukhang tuwang-tuwa pa ito sa reaksyon ko. Pati sina Tita Miranda at Tito Mariano ay nakikitawa na rin. 

Si Rook naman kasi eh, pahamak. 

Malay ko ba na nagsasalita pala ako habang natutulog? Pero, seryoso ba talaga? Bakit hindi ko alam? Tsaka sa dinami dami ng pangalan, yun pa talagang pangalan niya ang binabanggit ko? Like no way! Ano yun? Baka isipin pa nina Tita at Tito na patay na patay ako sa anak nila. 

Hell no!

Pero baka naman gino-goodtime lang ako ng anak ko? But knowing Rook, hindi naman ito nagsisinungaling sa akin. Tsaka nung mga panahong yun hindi niya pa naman siguro kilala kung sino at ano ang pangalan ng tatay niya. 

Hindi nga ba? O pinipigilan niya lang din ang sarili dahil alam niya na nasasaktan ako?

"It's okay Mommy. It's a nice name though. Bagay po sa name ko kasi, I'm Rook and my dog is Knight. Diba po, Lola, Lolo?" 

Yes anak, bagay sana kung hindi din Knight ang pangalan ng tatay mo. 

I can't describe the reaction of Knight's parents when Rook said that. While, Knight the dog, barked and wiggled his tail proudly like he really had a nice name. Nagpapakitang gilas pa ang aso. 

"Good boy Knight! Good Boy!" Rook gently tapped the head of his dog. And while he is doing that Kuya's friends are taking video of him at tumatawa pa ang mga ito. Yung tipo ng tawa na tuwang-tuwa talaga. Like seryoso? Wala namang nakakatawa sa ginawa ng anak ko, diba?

Napansin ko din sa mga kaibigan ni Kuya ang hilig kumuha ng video. Para saan kaya? 

"Knight come here. I will introduce you to my Lolo and Lola." he said before he shifted his gaze at his grandparents with a wide smile plastered on his face. 

Kung gaano kalawak ang mga ngiti sa labi ng anak ko kabaliktaran naman ang sa akin. Para akong natatae na ewan. Nahihiya ako kina Tito at Tita na hinayaan kong ipangalan ng anak ko ang pangalan ng anak nila sa aso niya. 

Lalo na si Tita Miranda na mukhang baby boy talaga ang tingin sa Knight niya. Goodness! Di ko madescribe yung expression ng mukha niya sa tuwing binabanggit ni Rook ang pangalan ng aso niya. Parang nangingiwi ito na ewan. 

"Knight..." Rook, called his dog. Umangat naman ang tingin ng aso sa kanya na para talaga itong nakakaintindi. Tiningnan ko si Tita Miranda, nakangiti ito pero parang alangan. Hindi ko alam paano ilarawan yung mukha niya. Pero si Tito Mariano ay mukhang naka recover na at natatawa nalang sa recation ng asawa. 

 "They are my Lolo and Lola, Knight. Lolo Mar and Lola Mira, my Daddy's parents. The one I called Mister, that man crying outside, remember? " Pagpapakilala ni Rook  sa Lolo at Lola niya para namang batang nakikinig ang aso kanya. 

"My Daddy also had a twin, si Tito Knoxx but he is not here." Nakita ko ang paglambot ng mukha ni Tita Miranda. Si Tito Mariano naman ay marahang humaplos sa likod ng ginang.

"If I see my Tito Knoxx again, I will introduce you to him. He looked like my daddy too." tumahol ang aso. "But my dad is more handsome, of course! We are look alike. I'm his mini version, Knight."

 "Come on! Say hi to my lolo and lola." utos ni Rook at mabilis namang tumahol  si Knight da dog at kinawag-kawag pa ang buntot. Si Tita Miranda ay napangiwi na pero pilit paring pinapakita sa apo na nakangiti ito. "Good boy, Knight! Good boy!" sabi ni Rook sa alaga niya.

"Lolo,Lola, this is Knight po my dog." Knight the dog barked again.

 For goodness sake anak tama na ang pagiging madaldal. Sabi ko sa aking isip pero mukhang walang balak si Rook na tumigil. 

Tainted Series # 9 : The Billionaire's Regret (KNIGHT WHARTON SARMIENTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon