I was crying hard alone inside the room after I read his letter. I feel like my whole body is trembling. My heart is clenching. I bit my lower lip to stop myself from crying more but the more I sobbed harder.
Why do we have to go all through these? Anong kasalanan namin na kailangan naming magdusa ng ganito? Bakit pakiramdam ko para kaming pinaparusahan?
"Bakit kailangan naming masaktan ng ganito?Hindi pa ba sapat ang mga pinagdaanan ko? Bakit kailangan kong masaktang muli?" Tumingala ako habang kumakausap sa Kanya. Walang na akong ibang makakausap ngayon kundi Siyana lang. Siya lang ang makakatulong sa amin.
"Saan kami nagkamali? Kulang pa ba? Kinuha Mo na sa akin ang anak ko pati ba si Knight kukunin Mo rin? Hindi pa siya nakikilala ng anak namin? Anong sasabihin ko kay Rook?"
Sobrang sakit na hindi ko maipaliwanag. Para akong unti-unting pinapatay sa sakit.
"Kung wala Ka naman palang balak na makilala siya ng anak ko bakit Mo pa hinayaang makita siya ng bata? Ayos na kami, tahimik na ang buhay namin, unti-unti na kaming nakausad. Pero bakit ganito na naman? Bakit ganito na naman?"
"Ilang pagsubok pa ba ang kailangan kong harapin para matapos lahat ng paghihirap ko? Ano pa ba ang gusto Mong gawin ko para matapos lahat ng to?" Hindi ko na alam paano patigilin ang mga luha ko.
"Ngayon lang ako hihingi ulit ng pabor Sayo. Nagmamakaawa ako, pagalingin Mo siya. Hayaan mo namang makilala niya ang anak namin. Parang awa Mo na. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam paano sasabihin sa anak ko. Kaya nakikiusap ako."
Tuluyang lumakas ang mga hagulhol ko. Nabalot ang buong silid ng mga hinagpis ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko na kahit anong pigil ko hindi ko kayang pahintuin.
Galit ako kay Knight, galit na galit pero ayokong siyang mawala. Kailangan niyang mabuhay para kay Rook. Kailangan pa siya ng anak ko. KaIlangan pa nila ang isa't-isa.
Hindi ko alam kung gaano katagal ako umiyak mag-isa hanggang sa naramdaman ko ang marahang haplos ng kamay sa likod ko. Pag-angat ko ng tingin ang hindi pamilyar na mukha ng magandang babae na halos kasing edad lang ng mommy ko ang aking nakita.
Nag-uunahan ang mga luha sa magkabilang pisngi niya at puno ng sari-saring emosyon ang mga mata. Sa likod niya ay isang lalaking halos kaedaran lang din ni daddy. Natigil ang paningin ko sa kanya dahil nakita ko ang malaking pagkakahawig nila Knoxx at Knight sa kanya. At kung hindi ako nagkakamali siya yung lalaking nakita namin ni Kuya Sandro nung dumating ako galing sa ibang bansa.
"We are Knoxx and Knight's parents." Pagpapakilala ng ginang sa akin. Kita ko ang pagpipigil niyang umiyak pero walang ampat ang pag-uunahan ng mga luha mula,sa mga mata niya.
"K-Knoxx, h-he told me about you and Knight. I'm s-sorry..." She reached for my hand and held it tight as she cried harder. "I don't know how to start, I don't know what my son did to you but I want to apologize for all the pain he caused you." She look at me in the eyes. Dama ko ang sinseridad sa mga titig niya sa akin.
Ang mga luhang akala ko naubos na ay muli na namang nag-uunahan sa aking pisngi.
"My Knight is such a good boy, but why does he have to go through all these? He is a good son, he is good friend, he is a good person pero bakit kailangan niyang maghirap ng ganito? Hindi ko alam kung bakit umabot sa ganito ng hindi man lang namin nalalaman."
I can feel the pain of a mother for his son. I saw her husband gently caressed her back calming her down but she even cried more.
"Hon, calm down. It's not good for you." Pagpapatahan ng asawa niya pero lalo lang lumakas ang mga iyak niya.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 9 : The Billionaire's Regret (KNIGHT WHARTON SARMIENTO)
RomanceKNIGHT WHARTON SARMIENTO WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Sometimes you need to give up on people not because you don't care but because they don't. Samantha Corrine Dela Vega - She has the life everyone was drea...