Chapter 40

30.7K 669 401
                                    

Hi AVAngers!  I'm quite sad but at the same time happy that finally another story has come to an end. It's hard to let go but I have to so that we can give way to another Brute's journey in finding his forever. (Sino kaya next? hahaha!)

Maraming salamat sa inyo AVAngers! Thank you for being with me since Hendrick and Ava's story. From 134 AVAngers now to almost 14k! The family is growing! Yehey!

Thank you for not leaving me all through out Knight and Sam's journey. You, my AVAngers are the reason why I continue writing. You all inspire me to do better each chapter. 

_________________________________

"Go Daddy! Go Daddy! Go Daddy!"

The kids are cheering when it is Knight's turn to dance. Hindi talaga siya tinantanan ng mga kaibigan niyang sumama sa sayaw nila. Actually there are few left in front. Si Kuya William, Kuya Ethan, Kuya Calyx, Kuya Derick at Kuya Joe na lang ang mga nakatayo doon at sumasayaw. 

Mga tiktokerist yern?

 Si Knoxx kasama si Major Castillo ay nakatayo nalang sa tabi kasama si Kuya Sandro.  They are back to their formal and business look. Seryoso  ang mga ito pero mukhang hindi naman napipilitang sumayaw kanina. Yung nga lang isang performance lang ang ginawa nila. 

They are still not complete. Wala si Atty. Gonzales dahil naghahanda daw ito ng mga gamit para sa trip niya abroad. Magiging judge daw ito ng kiddie talent show at doon ang audition gaganapin. 

Wala si Kuya Gaden nasa ibang bansa na, may inaasikaso. Ang kapatid naman daw ni Kuya Gaden ay sinamahan ang asawa sa Thailand dahil gusto daw doon magbreakfast. Ang CEO ng Valderama Empire, si Kuya Hendrick ay hindi maiwan-iwan ang asawang buntis. Pero nagpaabot sila ng mensahe kay Knight at may pinadalang regalo para dito. 

"Sige na Santong Kabayo! Arte neto. Kunwari pa eh!"

"Love help?" nagpapaawa nitong tawag sa akin pero di paman ako nakasagot masungit na siyang tiningnan ng dalawang kuya ko. Si Kuya Joe ay umakbay pa sa kanya at umaktong sasakalin kaya wala itong nagawa. Napilitan itong pumunta sa harap.  

Ang kambal naman ay nasa harapan proud na proud na pumapalakpak at nagchi-cheer sa tatay nila. 

"Love please..."pabebg nitong tawag sa akin. 

Kilig ang fallopian tube mo girl? 

Ano ba Knight, ang landi ah. Kurutin ko yang patotie mo eh! Sigaw ng malandi kong utak. 

Maghunos-dili ka Samantha! Sa dinami dami ng dapat kurutin yun pa talaga. Parang hindi galing sa iyakan kanina ah. Oo nga ano? Dapat pala kalmahan ko lang muna. Napaghahalataan tuloy na atat na akong ma-meet si patotie ulit. 

"Ready in one, two, three." kuya William cheered and the same music played ( SEE TINH).

"Ting ting tang tang ting tang, giling Knight! Galingan mo!" sigaw ni Kuya William dahilan para lalong mag-ingay ang mga ito. "Ting ting tang tang ting, yan ganyan nga! Sige pa Knight magpakitang gilas ka." they all cheered. 

"Go Daddy! Galingan mo po. Mommy is watching." pakikisigaw ni Sammy na ngayon ay sumasayaw na rin.

"Ting ting tang tang ting tang. Lambutan mo pa Knight! Ayan sige pa!" 

Ang kaninang nahihiya pang si Knight at nakisabay na rin. They look so cute at the same time funny while dancing to the beat. Imagine ang lalaki ng katawan pero ang lambot gumiling. And in fairness ang galing nilang sumayaw. 

Tuwang-tuwa ang kambal ng makita nilang nakipagkulitan ang daddy nila. Nakisabay ito sa sayaw na pinangungunahan ni Kuya William. Si Mommy at Daddy ay nagising din at nakikitawa din sa kanila. Ang mga seryosong Kuya ay nakangiti na din. Pati si Knight the dog ay nakikigulo, feeling niya ata belong siya sa grupo. 

Tainted Series # 9 : The Billionaire's Regret (KNIGHT WHARTON SARMIENTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon