Mabilis na lumipas ang mga araw. Ang isang linggong sinabi ni Knight ay lumagpas ng isang buwan. At sa loob ng mga paahong yun wala akong natanggap na kahit ano mula sa kanya.Ni hi o hello wala. Kahit tuldok man lang wala.
Hindi ko na alam kung ano na ang iisipin ko. Sa mga araw na lumilipas pabago-bago ang emosyon ko. Na kahit ako hindi ko naiintindihan ang sarili ko. Bigla nalang akong naiyak, nalulungkot. Ni hindi na ako makapag-focus sa pag-aaral ko.
Wala akong ibang masabihan. Ilang beses kong sinubukang tawagan si Knight pero hindi ko siya makontak. Wala kong ibang mapagtanungan. Yung mga kaibigan niya ay hindi ko na rin nakikita. Nahihiya naman akong magtanong kay Kuya Joe at bako kung ano ang isipin niya. Baka malaman niya pa na buntis ako at si Knight ang ama, magkakagulo pa.
Hindi ko rin makausap si Kuya Sandro ng matagalan. Nagkakaroon ng problema sa airlines at ayoko ng dumagdag pa. Si Mommy naman ay palaging tahimik. Hindi ko alam ang nangyayari pero palagi silang nagtatalo ni Daddy.
Nahihiya din akong kausapin si Belle Marie. Sobrang busy nito ngayon at madaming iniisip na problema tungkol sa pamilya niyang naiwan nila ng tatay niya sa probinsya at nasa ospital pa ang tatay niya ngayon. Gustuhin ko mang mag-open up sa kanya nahihiya akong dagdagan pa ang mga alalahanin niya. Parehas lang kami ngayong madaming problema.
Hindi ko na rin nakita si Vanessa mula nung gabing yun. Sinubukan kong hanapin ang mga social media accounts niya pero deactivated na lahat.
I tried doing my best para di ako malungkot pero kapag nag-iisa nalang ako para akong nalulunod sa lungkot. Gustuhin ko mang maging masaya at gawing busy ang sarili ko sa ibang bagay bumabalik pa din ang utak ko kay Knight.
Every passing day my emotions are getting worst. My feelings became unstable andun ang bigla nalang akong naiyak kahit simpleng bagay. Ultimong ang pagbukas ko ng pintuan ng sasakyan ko ikinasasama ko pa ng loob. I feel so irrational, unreasonable sa lahat ng bagay. I cried for nothing. Para na akong tanga.
Hindi ko naman mapipigilan ang sarili ko. Hindi ko makokontrol kahit anong pigil ko sa utak ko. Dagdagan pa na palaging masama ang pakiramdam ko. Palagi akong nasusuka at walang gana at higit sa lahat sensitibo ako sa lahat ng bagay.
I don't know whom to ask. I want to go to the doctor but I'm scared. I ma scared that my family might find out that I'm pregnant.
I need to wait for Knight to come back. Kung meron man akong gustong may makaalam na buntis ako siya yun.
But where is he now? Dumating na kaya siya?
Hindi masasagot ang mga tanong ko kung hindi ko siya pupuntahan sa opisina niya. I went to his condo yesterday pero hindi ako makapasok. Access denied ako. Hindi ko alam kung sira lang ba ang security lock niya or pinalitan niya na ito.
Mabilis akong sumakay sa kotse ko at diritsong nagmaneho papuntang opisina niya. Sinubukan ko pang tawagan yung number niya pero naka-off pa rin ito. Pagdating ko ng parking area agad akong bumaba ng sasakyan pero nagulat ako ng pagbaba ko muntik akong may maapakang pusa.
Yes it's black cat and it's not the first time I saw a cat today. Kanina paglabas ko ng bahay namin muntik din akong makasagasa ng itim na pusa ng bigla nalang itong tumawid. Mabuti nalang at nakapag break ako agad. Nagmamadali pa akong lumabas ng kotse para tingnan kung saan ang pusa pero di ko na ito makita.
Hindi ako naniniwala sa mga pamahiin na ganyan pero ngayon parang bigla akong kinabahan. Pagtingin ko doon sa pusang muntik kong maapakan nakita kong parang may kakaiba sa tingin niya sa akin. Bigla akong kinilabutan. Naramdaman ko ang biglaang pananayo ng mga balahibo ko.
Papasok na sana ulit ako sa sasakyan ko pero bigla itong tumakbo. Sinundan ko siya ng tingin, huminto ito sa may kalayuan. Pagkatapos muli itong tumingin sa akin ng makita niyang tumingin ako ginalaw niya ang buntot niya bago ito muling tumakbo at tuluyang nawala sa aking paningin.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 9 : The Billionaire's Regret (KNIGHT WHARTON SARMIENTO)
RomanceKNIGHT WHARTON SARMIENTO WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Sometimes you need to give up on people not because you don't care but because they don't. Samantha Corrine Dela Vega - She has the life everyone was drea...