Chapter 28

24.6K 590 376
                                    

"What happened to, Mister? I saw him passed out? Is he okay?"

Hindi ako nakasagot. Parang biglang nablangko ang utak ko na hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Lahat kami natigilan. Nagkatinginan si Kuya Joe at ang mga kaibigan niya. Si Kuya Calyx na kanina pa nagdadaldal parang biglang nalunok ang dila. Si Kuya Joe naman ay mukhang natulala.

Hindi namin inaasahan na magtanong si Rook tungkol sa tatay niya dahil iba naman ang pinag-uusapan nila. Tumikhim si Major Nate, sa aming lahat, siya ang unang nakabawi. 

"They brought him to the hospital, young man. Hopefully he's fine." Sagot niya sa bata. Tumango lang si Rook sa kanya at hindi na nagtanong pa. Muli itong bumalik sa usapan nila pero tungkol na sa aso ni Rook lahat. 

Maypa-video pa si Kuya Calyx sa anak ko habang binibida nito ang aso niya at sa tuwing nababanggit ang pangalan ng kaibigan nila tuwang-tuwa ito. 

"Ano nga ulit pangalan ng aso mo, Rook?" ulit niya at tinapat pa talaga ang camera sa mukha ng anak ko. 

"Knight po. He is my mom's gift on my sixth birthday." masiglang sagot ng bata at nilapit din ang mukha sa camera. 

"Ang pogi naman ng baby na yan. Mana kay...Mommy. Patingin nga ng mukha." Kinuhanan niya ng video ang kanan, kaliwa at buong mukha ng bata. "Sabi ko na eh, manang-mana talaga kay...diba brute?" Hindi ko alam kung naka-live ba ito, may kausap sa video or pure video lang. But he had so much fun while doing that.

"Ang sweet naman ng Mommy mo, Rook. Pero bakit naman Knight naisipan mong ipangalan sa aso?" Tsaka makahulugan itong sumulyap sa akin.

 Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. As if naman gusto ko ding ipangalan ni Rook yun sa aso niya. 

"Hmm...Why not po?" my son pouted cutely. Pinisil ni Kuya Joe ang pisngi niya sabay haplos sa buhok nito. 

"Knight is a good name for a dog. Diba Tio Joe?" Kuya nodded without hesitation. 

"Of course, Rook. Knight is the best name for a dog." Rook smiled proudly at what Kuya Joe said but I know better what my brother meant for that. 

" Knight! Come here!" Tawag ni Rook sa aso niya na kinuhanan ng video ni Kuya Calyx. "Knight they are my Titos, Tito Calyx, Tito Nate, Tito Joe and Tito Dreau." he introduced para namang tao si Knight na tumalon-talon sabay galaw ng buntot niya. "Titos this is Knight my dog and my bestfriend."

Malakas na tumawa si Kuya Joe at Kuya Calyx. Si Kuya Sandro at Major Nate lang ang hindi. 

"Katakot naman yang aso mo Rook. Ang tapang ng mukha oh, parang mangangagat. Does he bite?" Kuya Calyx asked.

"Hmm no po, he sings." Rook Joke making them all laugh at Kuya Calyx's reaction. His eyes widened hindi inaasahan ang pabirong sagot ng anak ko.

"Ay nak ng! Anak ka nga ni Santong Kabayo." parang bata itong bumusangot sa anak ko pero tinawanan lang siya ng bata. "Naku kang bata ka, may pinagmanahan ka talaga."

 "I'm just kidding Tito Cal. Knight is a good boy po don't worry. He is friends with my friends. Right Knight? You're a good boy right?" The dog wiggled his tail and Rook gently patted his head. "That's my boy. Okay Knight, sit down."

Muli silang nagtawanan dalawa ni Kuya Joe. I don't know why they are laughing. I can't find the humor in it. May nakakatawa ba? Wala naman diba?

"Epic! Ginawang aso yung kaibigan kong kabayo. You're so funny talaga Rook. Send ko tong video sa ibang Titos mo for sure they will be happy." Rook just shrugged his shoulder and continue chatting with them.

Tuwang-tuwa si Kuya Calyx at Kuya Joe sa pakikipagkwentuhan sa anak ko. Si Rook naman kita ko din ang kasiyahan sa mga mata niya. Pero ewan ko parang may kakaiba akong emosyong nakikita sa mga mata niya na habang nagtatawanan sila ni Kuya Calyx. Parang may lungkot akong nakikita sa tuwing napapatitig siya sa dalawa. 

Tainted Series # 9 : The Billionaire's Regret (KNIGHT WHARTON SARMIENTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon