"Staring is rude, young Miss." mahinang saway ni Knight sa akin pero inirapan ko lang siya.
Anong rude? Walang rude-rude sa akin dahil gusto ko siyang titigan. Ang gwapo niya kaya, kailanman hindi ko pagsasawaan ang mukhang yan. Kaya nga nagka-crush ako sa kanya eh. Tapos ngayon sabihin niyang staring is rude? Hell no! Tititig ako kung kailan ko gusto.
Bumalik na ang dating sigla ko dahil sa maraming pagkain na nakahain sa harapan ko ngayon. Para akong bata na tuwang-tuwa na akala mo naman ngayon lang ako nakatikim ng mga ganitong pagkain.
"Para may tinitingnan lang eh, ang damot." Dumukwang ako palapit sa kanya at kunwari may inaabot sa mukha niya. "Ano to?"
He waited for me to take something from his face, pero wala naman talaga akong kukunin doon. Eme lang para mapalapit ako sa kanya at malanghap ko ang mabango niyang hininga. His midnight black eyes stared at me intensely habang nagkukunwari akong may kinuha sa mukha niya.
Lambot naman ng face ng poging to. Wala man lang ka pores-pores. Di man lang ata ito dumaan sa pagka-stress. Samantalang ako kailangan pang matulog ng maaga kundi sangkatutak na talak ang matatanggap ko mula kay Mamu.
"Corrine..." mahinang usal niya. Siguro nahahalata na nitong ume-eme lang ako.
May pilyang ideyang pumasok sa utak ko. Nangiti ako sa naisip ko, pasimple kong nilapit ang mukha ko sa kanya para nakawan siya ng halik pero bago ko pa nagawa yun ay mabilis niyang ginilid ang mukha niya. Ang target ko ay ang labi niya pero tumama ang lips ko sa kanyang pisngi.
"Corrine, we are in public." mahinang saway niya sa akin pero umirap lang ako sa kanya bago ako muling umayos sa pagkaka-upo.
"Para halik lang ang damot pa!" nakanguso kong sabi.
Wala namang tao dahil nasa mataas kami at tagong bahagi ng park kung saan niya ako dinala pagkatapos naming mag-order nung mga pagkaing gusto ko. It's an open park pero wala masyadong tao ngayon kasi weekdays, may mga pasok. May mangilan-ngilang pares lang ang nasa unahan gaya namin na nagpi-picnic/date rin.
Oh diba? Assuming lang. Date yern?
"You don't want your brothers to be mad at you right? I don't want to put you in trouble, Sam."
"Hindi naman to makakaabot kina Kuya, unless lang magsusumbong ka." sabi ko saka sumubo ng fries. Pagkatapos kumuha din ako ng para isubo sa kanya.
"Open your mouth, Sir. " I said teasing him. Nagdadalawang isip pa ito pero sumunod din naman. Maliit niya lang na binuksan ang bibig niya. Pa -virgin kunwari ang lolo Knight ko.
Sinubo ko ang fries sa bibig niya pero sinadya kong idikit sa gilid ng labi niya para madumihan ito. Syempre kapag nadumihan, dapat lilinisin. At kung sinong nagkalat siya yung may responsibilidad na dilaan yun...I mean, linisan pala.
Kalat ko, dila ko. Rawr!
"Ay sorry." kunwari hinging paumanhin ko sa kanya. Mabilis kong nilinisan yung ketchup sa gilid ng labi niya gamit ang daliri ko pagkatapos balewalang sinubo ito sa aking bibig. Mindset ba mindset. "Sarap naman."
"Corrine." mahinang saway niya sa akin.
"...ng ketchup. Sayang naman kasi. Wag ka nga! " ayaw mopalang pa-kiss ha e di yun nalang muna. Hanggang ketchup lang muna.
Lalong naging seryoso ang mukha nito habang ngumuya ng pagkain.
"Sige na magbe-behave na ako. Arte neto." pairap kong sabi sa kanya.
"Promise?"nanunukat niyang tanong.
"Oo nga." pero ako pa ba? Ngayon lang ako naka-chance ng ganito. Ega-grab ko na at baka bukas mag-iinarte na naman ang kumag na to. Balik hard to get na naman ang peg.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 9 : The Billionaire's Regret (KNIGHT WHARTON SARMIENTO)
RomanceKNIGHT WHARTON SARMIENTO WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Sometimes you need to give up on people not because you don't care but because they don't. Samantha Corrine Dela Vega - She has the life everyone was drea...