Chapter 19

24.3K 590 466
                                    

"Ma'am, pinapatanong po ni Sir Sandro if uuwi po ba kayo sa isla ngayon? Tumawag daw kasi si Ma'am Beatrice sa kanya nagtatanong." Nalipat ang tingin ko sa  bodyguard na nagtatanong sa akin. Kita ko ang awa sa mga mga mata ni Kuya. Kanina niya pa ako nakikitang umiyak. 

"Pakisabing hindi ako uuwi ngayon Kuya." Mahinahon kong sagot sa kanya. Tumango ito saka muli akong iniwan.

Andito ako ngayon sa sementeryo dinadalaw ang puntod ng anak ko. Pagkatapos kong makausap si Marjorie dito na ako dumiritso. Wala akong ibang maisip na puntahan kundi siya lang. Gusto kong magsumbong sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya ang ginawa nila sa akin. 

Sobrang sakit at nakakagalit ng mga nalaman ko ngayong araw. Nagkaroon na ng kasagutan ang lahat ng mga tanong ko. 

Ilang oras na ako dito pero ayaw pa rin paawat ang mga luha ko. Parang walang katapusan na ang pag-uunahan nito sa aking pisngi habang nakatingin ako sa pangalan niyang nakasulat sa lapida. 

                                                          In Loving Memory of 

                                                          Baby Angel Dela Vega

Muli kong hinaplos ang lapida ng anak ko at muli akong napahugulhol. Lalong nanikip ang aking dibdib at halos di na ako makahinga sa labis na pag-iyak. 

Ilang taon na ang lumipas pero ang sakit andito pa rin. Araw-araw para akong paulit-ulit na pinapatay sa sakit sa tuwing naisiip kong nawala ang anak ko sa akin. Nawala ang batang matagal kong iningatan sa loob ng sinapupunan ko. 

Kinaya ko ang lahat ng sakit na naranasan ko dahil kasama ko siya. May karamay ako, may nagpapalakas ng loob ko, pero ngayon pati siya iniwan na rin ako. Tuluyan na akong iniwan ng anak ko at kasalanan ko dahil mahina ako. Mahina akong ina at hindi ko siya nagawang ilabas ng maayos. 

"I'm sorry Miss Dela Vega but your baby girl didn't make it." 

Parang bombang sumabog sa aking mukha ang sinabi ng doktor na nagpapaanak sa akin. Nablangko ang utak ko at namanhid ang buo kong katawan. Mataman akong tumitig sa mga mata niya, hinihintay na bawiin niya sa akin ang mga sinabi niya pero hindi niya ginawa. 

Unti-unting nabalot ang mga mata ko ng luha, nanginginig ang aking mga labi. Nagsimulang manikip ang aking dibdib pero hindi ko inalis ang mga tingin ko sa kanya.

"Bawiin mo ang sinabi mo, dok. Hindi ako natutuwa." mahinang sabi ko na halos wala ng lumabas na boses mula sa akin. 

Tumitig ako sa mga mata niya nagmamamakaawa na bawiin niya ang sinabi niya tungkol sa anak ko. Inabot ko pa ang kamay niya kahit nannghihina at nanginginig ako baka sakaling kapag naramdaman niyang nanghihina ako babawiin niya ang kanyang sinabi. Nakita kong lumungkot at ang mga mata niya, marahan niyang pinisil ang mga kamay ko. Akala ko magbabago ang isip niyo pero malungkot lang itong umiling sa akin. 

"I'm sorry, Sam. We did our best to save your baby but-"

"No!!! No!!! " tinaas ko ang kamay ko para patigilin siya. 

"We lost your angel, Sam."

"No!" malakas kong sigaw. "That's not true! That's not true! Ang baby ko! Ang baby ko! Bawiin mong sinabi mo, dok! Bawiin mo! Buhay ang anak ko! Hindi niya ako pwedeng iwan, hindi niya ako pwedeng iwan. Baby!!!Angel!!!! Wag mo akong iwan, anak. Parang awa mo na, wag mong iwan si Mommy. Ikaw nalang ang meron ako, Angel.Pati ba naman ikaw iiwan na rin ako?"

 Nagpupumiglas ako, nagwawala, gusto kong tumakbo palabas ng ospital dahil para akong mababaliw sa sakit. Sa mga oras na 'to parang gusto ko nalang mamatay. 

Tainted Series # 9 : The Billionaire's Regret (KNIGHT WHARTON SARMIENTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon