Epilogue - Part 3

17.8K 460 225
                                    

Double update today. Yehey! 

For the last time, let me read your thoughts below AVAngers!

_____________________________

"Smile naman dyan!"

Una.

Alam ko na ang kasunod niyan. Kukunin niya ang camera na nakasabit sa leeg niya at itatapat sa akin. Tapos kukuhanan niya akon ng picture.

"Pogi naman! Model yern?"

Pangalawa.

Hindi pa yan kuntento sa isang kuha lang. Muli niyang itatapat sa akin ang camera at kukuhanan ako ulit.

"Wharton! Isang ngiti mo lang kumpleto na araw ko."

Pangatlo.

Ilang kuha ulit at kapag ayos na 'yon sa kanya, saka niya pa ibabalik sa pagkakasabit ang camera niya at sumabay sa paglalakad sa akin.

Ito ang araw-araw niyang pangungulit sa akin kasama ang mga stolen shots mula sa camera na dala-dala niya.

Minsan gusto ko ng bumigay sa kanya, but I have to stop myself. I really have to. I know the moment I'll give in to her I can't control myself anymore. There's no turning back.

"Sagutin mo lang ako Knight, hindi ka magsisisi na ako ang magiging baby mo." sabi niya. Walang pakialam kung may makakarinig ba sa kanya. Mabuti nalang at maaga pa, wala pa gaanong estudyanteng dumadaan.

Gusto kong mangiti sa kanya pero pinanatili kong walang reaksyon ang mukha ko. I have to act that I'm not affected.

Kinalabit niya ako kaya napalingon ako sa kanya. Pilya niya akong kininditan. Ang maliit na dimples sa kabilang pisngi niya ay lalong dumagdag sa angkin niyang kagandahan.

"Hindi ka lugi sa akin Wharton. I'm talented. I know how to sing. I know how to dance. I know how to act." Nauna itong maglakad sa akin at umikot sa harapan ko. "Not only that, I know how to cook. I know how to clean and most of all I know how to take care of you." Aniya at muling sumabay sa akin. Muntik akong mapaigtad ng pilya niyang sinundot ang tagiliran ko.

"Magmamatigas ka pa ba? Complete package na ako. Maganda, matalino, masipag higit sa lahat mabait. Maldita at maarte lang ako tingnan pero mabait talaga ako." mahina niya akong siniko. Napaka pilya niya talaga.

"Hindi ka talaga magsisisi sa akin. Mamahalin, aalagaan at pagsisilbihan kita. Ikaw lang ang magiging babylove ko. Kaya please maawa ka na, sagutin mo na ako."

When I say persistent, this is the standard. Corrine is so persistent and sobrang kulit. Minsan nga napapaisip ako na baka pinagti-tripan niya lang ako. Pero sa tuwing tinitingnan ko naman siya sa mga mata, I saw something in her eyes that I couldn't explain. It is like she's really sincere and sure of what she is saying.

Could it be possible that she still remember me? Na ako yung nabundol niya ng bisekleta, inangking boyfriend at pinangakuan ng kasal nung maliit pa siya?

I think the answer is no. She is too young back then. Tsaka hindi niya ako nakikita habang lumalaki na siya. Dahil hindi rin naman siya pinapakita sa amin ng mga kuya niya.

"Why are you so masungit, Love? You know what? That's not a good idea. Lalo ka lang pumupogi sa paningin ko kapag nagsusuplado ka sa akin. The more suplado you are, the more handsome and attractive you look to me. " She giggled and smiled sweetly at me.

I frowned at her but her smile widened. I swear the moment her eyes met mine I can feel my heart thumping wildly inside my chest.

Kumalma ka, puso!

Tainted Series # 9 : The Billionaire's Regret (KNIGHT WHARTON SARMIENTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon