Chapter 1

194 12 0
                                    

"Okay students, we only have 1 hour so, I am going to discuss the topic from yesterday, the study of political science. Who can reduced the political science to it's simplest terms? Anyone from the class?"  -Mr. Pineda.

Nakatitig lang ako sa labas ng bintana, inaalala ang nangyari kagabi sa bahay.

How I wish maging maayos lang ang buhay ko. No drama in life, no hatred, no cheating and definitely no lying thingy.

Tsk! Bakit ba ang lupit ng mundo sa akin?

Dumating si Francis together with his mistress. They want Mom to sign those damn papers. 

What the hell?

Hindi ako papayag na ganun-ganun na lang. They will be happy... then how about us? Miserable? I won't take that. I won't give them the satisfaction.

"I'm home..." 

"Let's eat," wika ni Mommy at iginaya ako sa dining area.

Walang nagsasalita sa amin cause we're both tired and exhausted. Pagod siya sa trabaho at pagod rin ako sa school so walang nagbalak mag-umpisa ng usapan. Atsaka isa pang dahilan, napaaway ako kanina sa school. They don't know the true meaning of maturity. Tsk.

Hayley Montenegro. A bestfriend of mine for God knows how long. Bata pa lang kami, magkaibigan na kami and I must say na magkaiba kahit papaano ang ugali namin. Kung ako kaya kong tiisin ang mga tsismosa at attention seeker, siya hindi. Baka ilang minuto lang mapupuno na yan at ibabato ang sapatos niya. Pero mabait naman ako pati si Hayley. Mabait kami sa taong mabait sa amin.

Habang kumakain kaming dalawa ni mommy, natatarantang lumapit sa amin si manang.

"Patricia anak..." kumamot ng ulo si manang.

What's with her?

"Si Francis..." pagkabanggit pa lang ng pangalan niya nabitawan ko na ang kutsara ko.

They know how much I loathed my own father and they can't blame me. Nang mawala sa akin ang isang taong mahal ko, asan siya? Kahit na mawala na ako sa uliran... hindi siya nagpakita.

Hindi niya ako kinamusta. Ni ha ni ho wala.

How can I call him father? How can I accept him? How can I acknowledge him if he doesn't even know a single thing about me? Lumingon ako kay Mommy...

Nakita ko ang sakit at hinanakit sa mga mata niya. I know... I really know that she's still inlove with my jerk father. But if I were her, I wont waste my time thinking of him... nasaktan na ako kaya alam ko ang pinagdadaanan niya. And I wont also waste a single tear for him cause he's not worth it.

Bitter na kung bitter pero ayoko ng mainlove pa. Tama na ang sakit na naidulot ng una. Though I can't blame that person, hanggang ngayon na sa akin rin ang pait ng pag-iwan niya sa akin.

I once fell in love but not every story has its happy ending. He left me and chose to rip my heart into pieces.

"Stay here hija. Let me handle it." she said then touch my hand.

Agad siyang tumayo at pumunta sa living room agad namang sumunod si manang. Sinundan ko na lang sila ng tingin.

There is one thing I definitely know about Mom that I didn't inherit. Ito ay ang mabuti niyang puso. Kahit na sinaktan na siya, kinawawa, hindi niya naisipang gumanti. Pero alam ko lahat ng bagay may limitasyon.

May limitasyon ang pasensya niya. Kahit na ilang beses niya ng tinangkang makipagbalikan kay Francis at kahit paulit-ulit na lang siyang nagpapatawad, mapapagod din siya. Magigising din siya isang araw na tama na siguro yun.

Indelible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon