Chapter 5

66 11 1
                                    

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa couch. Naramdaman kong umupo si Hayley sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya.

" Masyado ka kasing maldita kaya naging ganun yung guy. " komento nito habang kumakain ng pizza na kakadeliver lang kanina.

I told her about the guy whom I bump at the mall. Sinabi ko rin sa kanya ang mag nangyari.

" Sabi niya maarte daw ako. " wika ko.

" Bakit hindi ba? " inosenteng tanong niya sa akin kaya binatukan ko.

" Isa pa Hayley ah! " pagbabanta ko pero tumawa lang siya.

" Eh bakit kasi pagkabigay ng panyo tinarayan mo na? Diba pwedeng thank you na lang. Ang bait mo pala kuya. Ganun? Tsk. " binangga ko ang balikat niya.

" I don't like him the moment I saw him. Babero. He's like a jerk. At hindi nga naitago ng ugali niya. " napapailing hinarap ako ni Hayley.

" Ang judgemental mo naman bae. Porke't gwapo, babaero na agad? Syempre tinarayan mo kaya nagsungit rin. Atsaka nilapitan ka niya kasi concern, it's not like magpapapansin siya sayo. " side comment niya ulit.

" Isa pa talaga Hayley. Makakatikim ka na sa akin. Sino ba ang kaibigan mo dito? " ngumiti lang siya at nagpeace sign.

" Eh mali ka naman kasi talaga bae. " natatawang saad nito kaya padabog na umupo na lang ako.

" Ahh! Alam ko na. Paano kung maglaro na lang tayo? " napailing na lang ako at sinubo ang natitirang pizza.

" Hindi na tayo bata. "

" Ako bata pa. Ewan ko lang sayo. " sinamaan ko lang siya ng tingin.

May kinuha siyang kahon at nilapag sa tabi namin. Binuksan niya ito at natawa ako sa nga nakita ko. It was our high school pictures. Kinuha ko ang isang picture at pinakita kay Hayley.

" Ang nene mo pa dito Hayley oh? " natatawang saad ko kaya lumapit siya sa akin.

" Hindi naman. Ang ganda ko kaya dyan. " pagdedeny niya kaya natawa ako.

" Akin na nga yan. " wika niya at inabot ang picture sa akin pero inilayo ko ito.

"Maganda talaga? Saan ba dito? " tanong ko at tinignan ng mabuti ang picture.

Binaling ko ang paningin ko para tumingin ng picture ni Hayley na pwedeng pang-asar sa kanya pero may nakita ako na siyang nagpabilis na tibok ng puso ko.

Kinuha ko ito at nakita ang picture namin ni Jasper na magkasama. Nakangiti at magkaakbay.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na natigil si Hayley.

" Nicole. " sambit niya sa pangalan ko pero hindi ko siya tinignan instead tinignan ko isa isa ang mga litrato.

" So you remember this? Eto yung time na naging kami. " nakangiting saad ko.

" Eto naman yung first anniversary namin na nadapa si Terrence sa hagdan kaya kailangan pa nating idala siya sa hospital. " natatawang saad ko pero nanatili lang nakatingin sa akin si Hayley like I'm insane.

Yes. I'm insane.

Nahinto ako ng makita ko ang panghuling litrato. Ito yung nagbreak na kami.

" Eto yung mga panahong kailangan niya ako pero wala ako. " nakangiting saad ko.

" Hindi ko man lang alam na may pinagdadaanan pala siya. I didn't know he was dying and what did I do? Pilit ko siyang kinakalimutan. " pinilit kong ngumiti.

" Dont smile if its fake. It sucks. " hindi ko napigilan ang sarili ko, nagsisiunahang bumagsak ang mga luha ko.

Hindi ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman ko. Lagi ma lang kapag may isang bagay na konektado sa kanya, na nagpapaalala sa akin sa kanya ay umiiyak ako, bakit ba hindi ko siya magawang kalimutan?

Indelible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon