Third Person's P.O.V
Pumasok ang limang binata sa isang bar. Sinalubong sila ng trance music, usok ng sigarilyo at mga babaeng nagwawala sa dance floor. Napapailing na lang si Zeus sa mga nakikita niya na parang gusto niya ng masuka.
Natigil sila ng huminto si Terrence.
"Anong problema mo?" tanong agad ni Zach.
Tinakpan ni Terrence ang mukha niya na parang may pinagtataguan.
"Nandito si ano." nababalisang wika nito.
"Sinong ano?" tanong naman ni Ethan.
Nginuso ni Terrence ang babaeng nakaupo sa counter na siyang dahilan ng sabay-sabay na pagtango ng magbabarkada pwera si Liam.
"Tsk. Mauna na ako sa VIP room. Sumunod ang gusto." wika ni Liam at nauna ng lumakad kaya nagsisunuran naman sila.
Pagpasok nila sa VIP room ay agad na sumalampak si Ethan sa couch at kumuha ng chips na nasa bowl. In-open naman ni Zach ang isang bote ng beer.
"Buti pinapasok tayo kahit wala na yung dating bouncer." wika nito kaya napatango sila.
Zach Montefalcon. Ang pinakamatanda sa grupo, serious type at mabait. Bilang nakatatanda, siya ang tumatayong kuya sa lahat.
"Pera lang katapat ng mga yun." saad ni Zeus na kasalukuyang naglalagay ng whiskey sa baso.
Zeus La Costa. Ang mysterious sa grupo at takot sa mga babae. Ayaw niya sa mga babaeng malalandi at easy to get. Dahil lumaki siya na walang ina at sumama sa iba, nakagisnan niya ng kamuhian ang mga babaeng hindi makuntento.
"At papapasukin pa rin naman tayo kasi kakilala natin ang may-ari ng bar na ito." ani Terrence.
Terrence Montenegro. Hayley's brother. Siya ang pinakatalented sa grupo, bukod sa matalino ito marunong din siyang tumugtog ng harps, saxophone, drum and guitar. At dakilang babaero.
"Isa lang ang kinuha niyo? Dagdagan niyo yan, kulang sa atin yan! Tsk! Magpadala pa kayo ng isa pang bote ng whiskey." parang may tama na saad ni Ethan.
Ethan Riley Falcon. A happy go lucky man who always smile. Siya ang pinakabata sa lahat and not to mention isang dakilang heartbreaker.
"Tsk!" umupo ng maayos si Liam.
Liam Brylle Bustamante. A bipolar guy who always gets into trouble.
"Anyway bro, kamusta kayo ni Tanya? " tanong ni Zach kaya natigilan si Liam sa pag-inom."She's happy with her career." tipid na sagot ni Liam habang tumango tango naman si Zach.
"And you're not?" segunda ni Terrence kaya medyo natawa si Liam.
"She's happy and I don't care anymore. She can do whatever she wants. She removed me out of her life since she chose to be with her fucking modeling career. You know, I can give her what she wants but... nevermind." natawa naman si Ethan sa kaibigan.
"I smell something bitter." pagkanta ni Zeus.
"Ilang buwan na ang lumipas bro! Move on na."
"Bro, they are girls." wika ni Ethan na may kalong-kalong ng babae.
"Woahhh... paano nakapasok yan?" tanong ni Zeus at agad na tumabi kay Zach.
"Para ka namang bakla eh. Umayos ka nga! Takot sa babae ang p*ta!" singhal ni Zach kay Zeus pero imbes na umalis ay mas lalo pang dumikit si Zeus ng magsimulang pumasok ang mga babae na halos wala ng saplot.
"Surprise gift ni boss para sa inyo boys!" wika ng isang babae sabay kindat.
"Enjoy." mapang-akit nitong saad at umalis na.
"Mark is so full of shits!" singhal ni Zeus habang lumilipat ng pwesto kaya natawa sila Terrence.
"Get off me bitch!" singhal niya rito ng may magtangkang lumapit sa kanya at nagtago sa likod ni Liam.
"I'm sorry girls but we're not gonna laid tonight." wika ni Liam and in just a second umalis na ang mga babae.
"Dude! What was that? If you dont want to get laid tonight then I do. You ruin my happiness man." nanghihinayang saad ni Ethan kaya nakatanggap siya ng batok galing kay Zeus.
"Kahit kailan ka talaga Ethan! Don't worry I'll give you tons of girls tomorrow!" biro ni Zeus.
"Tsk! Lokohin mo lelang mo uy! Hindi ka nga makalapit sa mga babae eh." pangaalaska ni Ethan kaya natawa silang lahat.
Napailing na lang si Liam habang napapangiti dahil sa kagaguhan ng mga kaibigan.
"Okay! Inom kung inom. Wag magtipid! Its all on me." sigaw ni Terrence kaya nagsigawan silang lahat.
"Yan ang gusto ko sayo eh!" sabay-sabay nilang sigaw at inom sa alak.
Napasmirk na lang si Liam.
✔✔✔✔✔✔
Liam Brylle Bustamante on the picture.
Vote and Comment.
Ciao!
©shendelzarezeke
BINABASA MO ANG
Indelible Love
DragosteA love that is incapable of being forgotten. Two people who fell in love and got hurt because love is not that kind. Love. Betrayal. Trust. Forgiveness. How can she fight for him, if he already gave up? How can he fight for her, if she gives him re...