Chapter 42

8 3 0
                                    


" Lunch? " binitawan ko ang papel na hawak ko.

" Mauna ka na hindi ako nagugutom. " wika ko at bumalik sa pagbabasa pero nagulat na lang ako ng kuhanin niya ang papel na hawak ko.

" Liam?! " singhal ko but he just smirk.

Napahawak ako sa sentido ko. And yes tama kayo ng rinig. Simula ng masiraan kami ng kotse, nasiraan na rin siya ng bait. Lumipat siya rito at nakipagsiksikan sa office ko and take note ha? Araw-araw kong nakikita ang pagmumukha niya.

On the contrary, it's a good thing na  lumipat siya rito at lagi kong nakikita ang mukha niya kasi nasasanay na ako. Hindi na ako medyo ilang.

Ilang linggo na kasing nandito yan. Ilang linggo na rin akong bwiset na bwiset.

" You get up or I'll carry you? " pagbabanta niya kaya wala akong ibang nagawa kundi ang tumayo.

Pagkarating namin sa kainan ay agad na akong um-order.

" Nga pala, pupunta ka ba sa anniversary party ni Eng. Ramirez? " tanong nito.

Nag-aya kasi ang matanda dahil anniversary nila ng asawa niya.

" Ikaw? Pupunta ka ba? " balik tanong ko rito.

" Kung pupunta ka. " natawa na lang ako ng mahina.

" Bakit hawak ko ba yang paa mo? " pagsusungit ko but he just smirk.

" Hawak mo ang puso ko. " bulong niya na hindi nakaligtas sa pandinig ko at siyang dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

" H..ha? " nauutal kong tugon.

He just smiled like he didn't say anything.

" Ang sabi ko pupunta ka ba o hindi? " tinignan ko lang siya at tumango.

" He invited me personally so I have no right to decline. " tumango ito.

" If that is the case then I'll be your escort. " natawa ako.

" Sabi ni Eng. Ramirez it's not grand. Escort your face. " he just smirk and continue eating.

Tinignan ko na lang siya. Hawak ko ang puso niya? Is that possible? Is that even possible? He's making fun of me. At hindi yun magandang biro kasi tumibok na naman ng mabilis ang puso ko. Kasi nandito na naman yung isang bahagi ng puso ko na umaasa. Umaasang kahit ngayon lang maibalik namin yung panahong masaya kami. Yung mga panahong mahal pa namin ang isa't-isa.

Pero alam kong malabong mangyari yun. Malabong mangyari yun kasi nakatali siya sa ibang tao... kasi hindi na ako ang may hawak sa puso niya.

" Ayaw mo ng pagkain? " seryosong tanong niya.

" Busog na ako. " tumango lang ito at pinagpatuloy ang pagkain.

" Maghintay ka lang diyan. Kakain pa ako. " natawa na lang ako sa sinabi niya.

....

Kasalukuyan akong naglalakad ng may nakabunggo ako. Tumilapon ang cellphone na hawak ko at natapunan ng juice ang dress na suot ko.

" Sorry Ma'am. Sorry po Ma'am. " paghingi na paumanhin ng nakatapon sa akin.

Tinignan ko siya at napansing isa siyang worker dito. Mukha namang hindi niya sadya kaya tumango na lang ako tandan ng pagtanggap ko ng paumanhin niya.

" I'll let it slide but next time becareful. " tumango ito.

" Makakaalis ka na. " at mabilis pa sa isang segundong umalis siya.

Arghhh... ang lagkit ko na. Agad akong pumasok sa office at nadatnang nanonood ng kung ano-ano si Liam. Agad siyang napatingin sa akin at kumunot ang noo.

Indelible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon