" When you say ' I love you ' you are making a promise with someone else heart. You should honor it with actions to prove it. Love is not only an emotion. Love is a verb. "
- unknown---------------------
Pagkagising ko I came into realization alam kong iba ang umagang ito kumpara sa nagdaan. Syempre birthday ko atsaka kami na ni Liam. Oh diba? Ano pang hihilingin ko?
Umupo na ako at kinuha ang ponytail sa may side table at tinali ang buhok ko.Dumeretso ako sa banyo para maghilamos at magbrush. Ayoko munang maligo hindi ko pa feel eh.
Umupo ulit ako sa kama ko at kinuha ang phone ko at nakita kong may nagtext na dun kaya agad kong binuksan ito upang basahin.
From: Liam
Morning sleepyhead.
Napangiti na lang ako for some unknown reason. Kinagat ko ang labi ko at tumayo na. Simpleng greetings lang yun pero nakakakilig na. Ano ba yan? Nagiging malandi na tuloy ako.
Paglabas ko sa kwarto walang tao sa sala. Saan naman pupunta yung mga bruhang iyon?
Dumeretso ako sa fridge at kumuha ng tubig and after that pumunta ako sala. Pero wala akong nakita sa kanila. Supposed to be binabati na nila ako. Nagkibit balikat na lang ako at umupo sa couch.
I crossed my legs at kinuha ang magazine sa ibabaw ng table.
Okay ang boring!
Tatayo na sana ako ng may magpasabog ng confetti. Sa sobrang gulat ko ay napahawak ako sa dibdib ko.
" What the hell?! " singhal ko at nakita ko ang mga magagaling kong bestfriend na may hawak ng black forest cake, my favoritre one.
" Ang puso bae haha you should've seen your face. Ang pangit mo! " she said while laughing out loud.
" Anyway happy birthday Ms. Nicole haha... " I just smiled.
So eto na ang tinatawag nilang surprise? Nasurprise naman ako pero slight lang.
" I'll blow my candle now. " saad ko at aamba ng ihipan ang candle ng hinarang ni Hayley ang kamay niya sa bibig ko.
" Ooopps... that's not the proper way of blowing the candle. " wika niya kaya napakunot ang noo ko.
Okay? May binabalak itong mga to?
" 1... 2... 3... " and with that nakaramdam na lang ako ng malapot at malamig sa mukha ko.
Ang gaga tinapon sa mukha ko ang cake. Argggghhh...
" Hayley!!! " pigil na tawag ko. I heard her chuckled.
" Yes, darling? " she said in a sweet tone.
Agad kong hinila ang mukha niya at idinikit sa mukha ko kaya wala siyang ibang ginawa kundi ang tumili.
" What have you done? Oh my gosh! You brat! " nangagalaiting wika niya.
And with that naghabulan kami. Sumali na rin si Lian. Natatawa ako habang nakikipaghabulan.
This is my birthday. This is the ritual for my birthday na kagagawan ng gagang si Hayley. At kahit kailan hindi pwedeng mawala ito.
Habang nagtatakbuhan kami bigla na lang tumunog ang cellphone ko kaya natigil kami sa ginagawa namin. Excited kong kinuha ito.
It must be Liam. Hindi niya pa ako binabati eh.Pagkabukas ko ng cellphone. It's not him... unknown number. Huminga muna ako ng malalim bago sagutin.
I'm not dissapointed.
BINABASA MO ANG
Indelible Love
RomanceA love that is incapable of being forgotten. Two people who fell in love and got hurt because love is not that kind. Love. Betrayal. Trust. Forgiveness. How can she fight for him, if he already gave up? How can he fight for her, if she gives him re...