Chapter 3

94 12 0
                                    


"Okay dismissed. See you tomorrow." umalis na yung panot naming prof.

Napapailing na tumayo na ako. Humikab pa ako at napapailing na tinignan si Hayley na natutulog.
Matapos kong ayusin ang gamit ko ay lumapit ako sa kanya at binatukan siya.

"Hindi ito kwarto!" singhal ko kaya iminulat niya ang mga mata niya.

Humikab siya at inunat ang mga kamay niya.

"Tapos na ba?" naaalimpungatang tanong niya sa akin kaya hindi mapigilang tumaas ang isang sulok ng labi ko.

"Hindi pa." sarkastikong saad ko at tumalikod sa kanya.

Kinuha niya naman ang bag niya at sumabay sa akin.

"Grabe bae noh?! Nakakaantok yung lesson ni prof buti na lang panot siya kaya hindi ako inantok." natawa ako sa sinabi niya eh nakatulog na nga siya.

Kahit kailan talaga itong babaeng ito. Hindi man lang lagyan ng preno ang bibig. Sa araw araw na ginawa ng diyos wala ng ibang ginawa ang babaeng ito kundi ang ilagay ako sa kapahamakan.

Dahil diyan sa maikling pasensya niya kaya kami lagi sa guidance. In fact, dalawa na ang offense namin one way to go este one way to be kick out.

Hindi ko naman siya masisi kasi marami naman talaga kasing sumusubok sa pasensya niya dito. Futile accusations, pure insecurities and bitchy attitudes.

Honestly, I'm so sick of that.
College na kami we should be mature enough. Ang kaso most of the people are brats. They are born to test each persons anger management skill. Tsk.

"Diretso na ba tayo sa cafeteria?" tanong ni Hayley sa akin kaya tumango na lang ako.

Kaya ko naging bestfriend ito eh kasi bukod sa pareho ang mga gusto namin, partners-in-crime rin kami.

Walang laglagan, nagkakasakitan lang. Ganun naman ang magbebestfriend eh. Walang iwanan.

Masaya ako na meron siya kasi kung hindi, I don't think I can make it. 2 years had passed and the memories of my pain is still here bugging me. Pero nawawala na siya thanks to my mother and my bestfriend. Sa tingin ko, hindi ko na kailangan ng iba pa. Okay na ako na meron ang dalawang importante sa buhay ko.

"Sana naman masarap ang mga nasa menu nila ngayon. Nakakabanas ang puro carbonara. Langya!" napapailing na tinawanan ko na lang siya dahil sa mga sinasabi niya.

Nang makarating kami sa cafeteria ay agad na umoreder na kami ng pagkain namin. At tulad nga ng hiling ni Hayley kanina ay hindi carbonara ang nasa menu. Nang makakuha na kami ay agad na kaming umupo sa pwesto namin.

"Oh? Ang konti ng kinakain mo ah? Diet ka?" tanong ko sa kanya kaya tumango lang ang bruha.

"Himala at may paki ka pala sa katawan mo." natatawang saad ko kaya sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Excuse me, are you talking to me?" nakataas kilay na tanong nito sa akin kaya napangisi ako.

"Hindi. Yung nasa likod mo. Sa kanya ba ako nakatingin?" sarkastikong banat ko kaya inismiran niya lang ako.

"Pilosopo." komento niya.

"Bakit ikaw, hindi?" sinamangutan niya na ako.

"Tumigil ka nga sa kagagahan mo babaeng pinaglihi sa philosophy. Baka gusto mong mabatukan?" natatawang umiiling na lang ako.

"By the way, change topic." wika nito kaya tumingin ako sa kanya.

"Ano?" tanong ko.

"Sabi ni Mommy, pumunta daw yung magaling mong tatay at malandi niyang kabit sa bahay niyo ah? Ayos lang ba si Tita Patricia?" nag-aalalang saad nito.

Indelible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon