" Itsura mo dyan. " sabi ni Hayley ng makita niya akong nakaupo lang sa couch.
" Hindi ka papasok? " tanong naman ni Lian.
" Anyare ba sayo? " sabay nilang tanong ng hindi pa ako nagsasalita kaya tinignan ko lang sila at tumayo na para pumasok sa kwarto at mag-ayos.
" Seriously bae, anong drama mo ngayon? " seryosong tanong ni Hayley ng makapasok na kami sa third subject namin.
" Mahabang kwento. " saad ko kaya umirap lang siya.
" I have all the time in the world. " sarcastic nitong wika kaya napilitan akong ikwento sa kanya lahat ng nangyari kagabi. Detailed by detailed.
" Eh baliw ka pala eh. Nabubuang ka na ba? You rejected him! Binasted mo siya Nicole kahit na alam nating pareho na attracted ka dun sa guy! " sinita ko naman siya.
" Tumahimik ka nga! Eh sa natatakot ako eh. " hinawakan niya ang kamay at napadaing ako sa sakit ng kurutin niya iyon.
" Puro takot ka na lang. Pasasayahin ka ba ng takot mong yan? Hindi naman diba. Matuto ka kayang sumugal! Sige ka! Ikaw rin, pag nakahanap yun ng ibang babae na hindi takot kalimutan ka niya. " panenermon ni nanay Hayley.
Napaisip naman ako. He said he likes me at hindi ring malabong magkagusto siya sa iba. But come to think of it, dun ko matetest ang fidelity niya towards me.
Diba? Kung hanggang saan ang kaya niya right? Well I'll just look at the bright side.
" Bae wala siguro iyon. Ang alam ko kasi excuse siya ng 1 month eh. " kumunot naman ang noo ko.
"Excuse? Bakit naman daw? " tanong ko dito.
Alam ko namang minsan wala siya but it only took 1 week or 2 but 1 month? It must be important huh. Babae?
" Yieee! Concern siya. " tukso ni Hayley sa akin kaya inirapan ko na lang siya.
" Concern agad? Diba ba pwedeng curious lang? " kumunot naman ang noo niya wearing her freakin' malicious grin.
" At bakit curious si ateng? " I just rolled my eyes.
" Because... " nahinto ako ng wala akong maidugtong kaya mas lalong natawa si Hayley.
" Wag ganyan girl! Kapag binasted mo wag mo ng bakuran! Abuse na ang tawag dun. " natatawa pa rin niyang saad.
Magsasalita pa sana ako ng dumating na ang prof kaya itinikom ko na lang ang bibig ko.
Week 1
Ang boring. Miss ko na siya kahit na ilang tanggi pa miss ko na talaga siya. Hindi ba pwedeng umuwi na lang siya dito at itatago ko na lang siya sa closet ko?
Week 2
Hindi pa ba siya uuwi? Natatakot ako. Natatakot ako na kapag hindi niya ako makita ng ilang linggo mawala ang nararamdaman niya sa akin. Baka nga nagpapakasaya na siya dun while here I am missing him like crazy.
Week 3
I really miss him. Kahit na ngumingiti ako at nakikipagtawanan kila Hayley and Lian I know deep inside I'm not fully happy. Kapag dumating siya I promise I'll treat him better and maybe... just maybe maamin ko rin sa kanya na may gusto na rin ako sa kanya.
Week 4
Hell. My life in this week is hell without him. Maybe Lian's right... I'm suffering from a lack of vitamin him. But then knowing he'll be back tomorrow my heart wanted to jump. Sa sobrang pagka-excited ay hindi ako makatulog.
Bumangon ako sa kama. Tinignan ko ang orasan and it's too early for my everyday exercise. Hindi naman kasi ako natulog. Sa sobrang pagkaexcited ng katawan ko ay hindi na siya nag-abalang matulog pa. Akala ko nga may insomnia na ako.
BINABASA MO ANG
Indelible Love
RomanceA love that is incapable of being forgotten. Two people who fell in love and got hurt because love is not that kind. Love. Betrayal. Trust. Forgiveness. How can she fight for him, if he already gave up? How can he fight for her, if she gives him re...